Zen's POV
Halos mabingi ako sa katotohanan dahil sa sinabi niya. Literal talaga na nagpaulit-ulit 'yung sinabi ni Paolo sa utak ko.
Loading muna self!
Okay ka na ba?! Kumalma na?!
Yes!
"KAPATID MO GWA-ESTE SI CARLO?!"
Napatingin naman sa gawi namin si gwapota dahil sa lakas ng boses ko. Eh bakit?! Hindi ako makapaniwala eh!
"Oo naman. Bakit? Magkakilala ba kayo?" Napangiwi naman ako kaya natawa naman siya.
"Base sa reaction mo ay mukhang magkakilala kayo hahaha."
"Kapatid mo ba talaga si Carlo?"
"Oo naman. Bakit ba? Hahaha?"
"Totoo? Walang halong biro?"
Ang bait kasi Paolo at mukhang masarap este mas gwapo siya. Eh, si Carlo naman ay napaka-ubod ng pangit at ang sama ng ugali... minsan... HAHAHA!
"Oo nga hahaha. Panganay ako, sumunod siya at bunsong kapatid namin si Nini."
SI NINI?!
Oo nga pala. Kapatid ni Paolo si Nini so kapatid rin ni gwapota si Nini.
DEPUNGAL NGA TALAGA!
MY WHOLE LIFE IS A LIE! HAHAHA!
Soon to be jowa ko pero parang wala akong alam sa kaniya! Kakahiya ka self! Bawas point 'yun!
Feeling ko ampon talaga si gwapota!
"Ah ganun ba hahaha." 'Yun nalang ang nasabi ko.
"Oh sige, aalis na kami. Congratulations ulit."
"Thank you. Bye."
"Bye. See yah!"
Ay walang good bye kiss or hug man lang?!
Edi huwag! Salamat nalang sa lahat! CHAROT HAHAHA!
Lumabas na din kami after. May mga nagpapapicture pa pero hinayaan ko nalang. At least kahit papaano ay may picture sila aa magandang tulad ko. Sayang remembrance vro.
Paglabas namin ay pansin ko ang pagiging tahimik ni Jared.
"Okay ka lang?"
"Oo naman." Nakangiting sabi niya.
"Grabe! Ang galing mo talaga te!"
"Oo nga! Halos wala man lang akong naitama sa mga pinapa-spell HAHAHA!"
"Iba talaga ang utak ng magaganda."
"Agree ako diyan te!"
"HAHAHA!"
Napagdesisyunan nila na pumunta muna sa bahay dahil alas dose pa lang. Si Mommy naman ay dumiretso na sa trabaho niya. Nag UV nalang din kami para hindi hassle sa pagsakay. Nakatulog naman ako sa balikat ni Jared.
"Gising na. Malapit na tayo."
Pagbaba namin ay dumiretso kami sa cherry para bumili ng mga snacks namin.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...