Chapter 65

621 13 0
                                    

Zen's POV

Kinabukasan ay naalimpungatan naman ako dahil sa panggigising sa akin ni Jared.

"Ano bang problema mo?" Inis na baling ko sa kaniya.

"Tumayo ka na. May demolisyon na nagaganap sa labas."

Halos lumuwa naman ang mata ko at para bang nawala 'yung antok ko kanina nang marinig ko ang sinabi ni Jared.

"S-Seryoso ka? Idedemolish na tayo?"

"Oo, kaya tumayo ka na diyan." Pasiring niyang sabi kaya tumayo na din ako.

Pagkabalik ko sa kwarto ko ay hindi ko na naabutan si Carlo. Baka ay umuwi na siya o kaya sinundo dito sa amin. Ang inaalala ko din ay baka mag-away sila nung Tatay niya dahil sa nangyaring gulo kahapon sa restawran.

Agad naman na akong bumaba ng bahay dahil nakarinig na ako ng mga sigawan at parang mga makina. Pagkalabas ko ng bahay ay halos mawalan ako ng hininga nang bumungad sa akin ang mga sirang mga bahay na nagkalat sa buong paligid. May nakita din akong mga kagamitan na ginagamit na nila para demolisyon dito sa lugar namin.

"Bakit hindi niyo man lang ho kami sinabihan na magkakaroon ng demolisyon ngayong araw?!"

"Congressman, parang awa niyo na! Wala ho kaming matutuluyan..."

"Nakikiusap ho kami, Congressman. Kahit bigyan niyo lang ho kami ng isang buwang palugid para makahanap po kami ng malilipatan."

Pagmamakaawa ng mga tao kaya halos manlumo ako sa nakikita't naririnig ko.

'Yung ibang mga pamilya naman ay nakikipaggitgitan sa mga pulis para protektahan ang bahay nila sa gagawing demolisyon. 'Yung iba naman ay napaiyak nalang habang tinitingnan ang mga bahay nilang nasira.

Tang-ina! Ano ba ang nangyayari? Bakit wala kaming alam na may ganito palang magaganap? Eh, kung mayroon man, bakit hindi nila sinabihan kaagad na magkakaroon pala mg ganito ngayong araw? Hindi 'yung ganitong magugulat nalang kami na paaalisin na pala kami dito nang wala kaming nalalaman.

Saka ko lang napansin na para tuloy kaming nakakaranas ng delubyo dahil sa sitwasyon namin ngayon. May mga nagkalat na mga gamit pambahay na nasa labas, katulad ng mga damitan, aparador, telebisyon at iba pang mga gamit sa loob ng babay. May mga nag-iiyakan din na mga pamilya at ilang nakikipag-away sa mga kapulisan na nasa mahigit trenta ata ang bilang.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko na makayanan pa ang bigat na nararamdaman ko dahil sa nangyayaring kaguluhan ngayon. Inaamin ko na masakit at mahirap tanggapin na paalisin kami dito sa lugar na 'to.

Kasi kahit sa squatter area lang kami nakatira ay naging aral ito sa buhay namin. Natutong tumulong sa mga nangangailangan, marunong makisaluha sa ibang tao, naging madiskarte sa buhay, walang kaarte-arte sa katawan, marunong magpahalaga sa mga maliit na bagay, hindi namimili ng pakain, hindi nagsasayang sa mga walang kwentang bagay, tuturuan kang kumayod upang magkaroon ng pera na gagamitin sa pang araw-araw na buhay, tuturuan ka maging masinop at maging matipid, may paninindigan sa buhay, tuturuan ka din na mas unahin ang pangangailangan kaysa sa kagustuhan. At ang higit sa lahat ay bibigyan ka nito ng leksyon sa buhay na tumayo sa sariling paa, magsikap sa buhay, at mag-aral ng mabuti upang makamtam ang mga pangarap sa buhay.

Kahit na sinasabi nang ibang mayayaman na tao na wala kaming kwenta, maiingay, mga maduduming tao, mga walang pakinabang at pabigat lang sa industriya, ngunit hindi pala nila alam na may determininado ang puso namin na mas magsikap pa sa buhay kahit na ganito lang ang estado ng buhay namin.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now