Chapter 70

824 14 0
                                    

Zen's POV

Bago kami magtanghalian ay ginising ko naman si Carlo na mahimbing na natutulog. Medyo pawis na pawis nga lang siya kasi gawa lang naman sa kahoy ang bahay namin dito at tanging bentilador at bukas na bintana lamang ang nagbibigay ng hangin. Ngunit kahit ganun ay malaki ang pasasalamat ko na buong puso na tinatanggap ni Carlo ang mga simpleng bagay na mayroon ako. At ang nakakataba ng puso doon ay ginagawa niya itong espesyal sa iba't-ibang paraan.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso naman kami sa may warp malapit sa likod bahay namin para salubungin ang mga Tito kong galing sa pangangaso sa kabilang isla. Si Carlo naman ay tahimik pa din sa tabi ko habang pinagmamasdan ang mga tanawin dito sa amin. Gusto ko sanang magsalita kaso ayoko siyang abalahin dahil mukhang masaya naman siya.

Malayo palang sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ko na ang matatalim na titig ng dalawa kong Tito at maging ang apat na pinsan kong lalaki.

"Wala pang piyesta pero parang panalo ka na ata," pagbibiro ko kay Carlo. Napalunok naman siya at napaurong nalang sa tabi ko. Pagbaba naman nila sa bangka ay nasa amin kaagad na dalawa ang mga Titig nila.

"Kapag ipinakita mong naduduwag ka, baka isipin lang nila na hindi mo kayang panindigan 'to,"

"I-I'm not..."

"Basta huwag kang matakot. dahil kahit mga barako ang mga 'yan, dabest 'yan kasi pinoprotektahan lang naman nila ako."

"Y-Yeah."

Pagdating nila sa harap namin ay nagmano naman ako kanila. Nagsaludo naman 'yung apat na pinsan kong lalaki kaya tumango naman ako sa kanila pabalik.

"Mukhang may naglakas nang loob na gumambala sa pamangkin ko," malalim na boses na sabi ni Tito Dante na asawa naman ni Tita Grace. 'Yung isa ko namang Tito ay pinaglalaruan pa sa kamay niya 'yung kahoy na hawak niya dahilan para magitla sa tabi ko si Carlo.

"Marhay na aga, Iho."

"M-Marhay na aga din h-ho..." kinakabahang sambit ni Carlo sa kanila sa pagbati ng magandang umaga.

"Bago niyo ho siya tanungin ng mga kung ano-ano, may dala ho ba kayong mangga at santol diyan?"

"Oo naman, ikaw pa ba," sabi ng isa kong pinsan na si Kuya Jun.

"Mabuti naman."

Nang makabalik kami sa bahay ay hindi na umalis sa tabi ko si Carlo.

"Huwag ka ngang matakot, tatanungin ka lang naman nila. Parang hindi ka pa nasamay kay Jared."

"That's d-different."

"Parehas lang 'yun. Sa katunayan ay mas mahigpit pa si Jared kaysa sa mga Tito at pinsan ko."

"Are you sure?"

"Hindi ko lang alam ngayon kasi ito ang kauna-unahan na may nag-akyat ng ligaw dito hehe."

"Tch."

"Hahaha."

Kinagabihan ay tumambay muna ako sa kwarto ni Carlo. Nagsabi naman muna ako sa mga Tito ko na ipagpaliban muna nila ang pangangamusta sa isang ito dahil naninibago pa siya. Sinabi ko rin na anak mayaman 'tong si Carlo at walang alam sa mga ganitong uri ng pamamanhikan. Gusto ko din sana siyang yayain na gumala kaso tinatamad pa akong maglakad-lakad. Atsaka, mas maganda kung sa araw nalang ng piyesta kasi mas lalong mapupuno nang kasiyahan dito sa Nato, Bicol sa darating na isang araw.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now