Chapter 63

617 16 0
                                        

AUTHOR'S NOTE:

15k words is on fire! My another longest chapter so far again hahaha! Hindi ko na alam kung kaya ko pa bang lagpasan 'to o hanggang dito nalang talaga hahaha. Basta bahala na kung sisipagin ulit ako.

Enjoy reading...























Zen's POV

Pagdating naman ng Biyernes ay medyo lumuwag ang araw ko sapagkat nabawasan na ang mga gawain namin. Natapos na kasi naming ipasa 'yung mga activity ngayon at inaantay nalang namin final exam nitong pangalawang semester para sa susunod na taon.

May mga natira pa naman kaming gagawin pero isa o dalawang subject nalang ata 'yun. Atsaka sa sunod pa naman na linggo ang pasahan ng mga gawaing 'yun kaya may panahon pa kami para makapagpahinga man lang.

Mabuti naman at naisip din nila na bawasan ang mga gawain sapagkat hindi naman kami mga robot para magawa agad 'yung mga gawain nang hindi man lang napapagod.

Kasalukuyan naman kaming papunta ngayon sa gymnasium ngayon dahil may ia-annouce daw si Dean pero wala namang sinabi kung ano 'yun.

Kanina pa din kami nandito ngunit hindi pa rin nagsisimula.

Katabi ko naman ngayon si Carlo na kanina pa din tahimik habang nagbabasa ng libro. Gusto ko sanang makipagdaldalan sa kaniya kaso wala ata siya sa mood. Si Ron naman ay may ibang kausap kaya napanguso nalang ako sa kawalan.

"Uy." Panggugulo ko kay Carlo.

"Hmm?" Sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.

"Samahan mo ako sa labas. May bibilhin lang ako."

"Let's go."

Nagulat naman ako sa agarang sagot niya. Tatayo palang sana ako nang hatakin na niya ang kamay ko palabas ng gym. Mabuti nalang at mukhang busy ang lahat kaya hindi nila 'yun napansin.

"Uy, 'yung kamay ko." Ani ko sa kaniya dahil hindi pa din niya ito binibitawan kahit na nasa labas na kami.

Mukhang wala naman siyang balak na bitawan 'yun kaya hinatak ko nalang paalis sa kamay. Akala ko naman ay magagalit pero hindi pala.

Pagdating namin sa cafeteria ay bumili lang ako ng bottled water dahil nauuhaw na din ako. Tinanong ko naman 'yung isa kung ano ang gusto niya kaso hindi man lang ito kumibo.

Hinayaan ko nalang siya dahil naninibago ako sa ugali niya simula nung magkasabay kaming pumasok sa silid kahapon. Sabi niya ay naiinis lang daw siya kaso hindi na ako nag-usisa para itanong pa 'yun. Siguro 'yun din ang dahilan kung bakit ulit siya nagkakaganito.

Alam ko naman na tahimik na tao si Carlo pero malalaman mo talaga ang paninibago sa kaniya kapag nakilala mo na nang tuluyan ang ugali niya.

Nang madaanan namin ang field ay hinatak niya muli ang kamay ko papunta doon. Naupo naman siya sa sahig kaya naupo nalang din ako sa tabi niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko.

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga at iginala nalang ang paningin sa paligid.

"C-Can I ask?" Tanong niya sa akin.

Bago pa ako nakasagot ay nagsalita na siyang muli.

"Are you just making me dependent?"

Nabigla naman ako ng tumingin siya sa akin dahil mababakas mo doon ang lungkot at sakit sa nararamdaman niya.

"H-Huh?"

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now