Chapter 27

506 21 0
                                    

Zen's POV

Pasado alas-singko na ng hapon ako umalis sa kampus dahil nagchat sa akin si Michael na kailangan bago mag alas-sais ay nandoon na ako store. Habang biyahe ako ay nagtext na rin ako kanila Jared na mahuhuli ako ng uwi dahil magsisimula na akong magtrabaho.

Kasalukuyan naman akong nasa labas ng papapsukan kong trabaho. Hindi ko tuloy alam kung papasok ba ako o uuwi nalang. Ang dami rin kasing mga kustomer at puro mga mg estudyante ng JRU at mga AU plaridel campus.

Huminga naman muna ako ng malalim bago pumasok na ako sa loob. Malapit na rin kasing mag-ala sais at ayokong mapagalitan ng dahil sa kahiyaan ko. Pagpasok ko ay iginala ko naman ang paningin ko dahil ko makita si Michael. Ayoko sanang magtanong sa kahera ngunit wala talaga akong pagpipilian.

"Hi. Nandiyan po ba si Michael?"

"Sinong Michael po?"

"Michael Guillermo."

Halatang nagulat naman siya kaya ngumiti nalang ako sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang dumating?"

Napahinto naman ako nang may nagsalita sa likod. At hahit hindi ko tingnan kung sino ay alam kong si Michael 'to. Napangiwi nalang ako dahil mukhang galit ata siya. Pero may sapat na oras pa naman ako at hindi naman ako nahuli sa pagdating.

Dahan-dahan naman akong lumingon sa gawi niya. Pagkaharap ko ay bumungad naman sa akin ang seryoso niyang mga ekspresyon.

"Sa second floor ka na magbihis."

Tatalikod na sana siya nang hinawakan ko 'yung kamay niya.

"Bakit?"

"P-Puwede mo ba akong bantayan? K-Kung ayos lang naman sa'yo."

Kinunutan naman niya ako kaya napaiwas nalang ako ng tingin sa kaniya.

"S-Sige."

Binitawan ko na 'yung kamay niya. Nauna naman na siyang naglakad patungo sa ikalawang palapag kaya sumunod nalang ako sa kaniya. Pag-akyat namin ay sakto nalang dahil konti lamang ang mga taong nandito.

"M-Magbihis ka na, dito lang ako sa labas."

"S-Salamat."

Training palang ako ngayon kaya white polo shirt, black pants, black socks and black shoes ang susuotin ko. Binilisan ko na din magbihis kasi baka lalong magalit si Michael. Hindi ko naman alam kung anong ikinagagalit niya kaya mas mabuting huwag nalang ako dumadag pa roon.

Paglabas ko ay nandon parin siya sa labas ng pinto. Nang makita niya ako ay dumiretso nam siya sa party area, dito parin sa second floor kaya sumunod nalang ulit ako.

"Upo."

Umupo naman ako. May mga inilabas siyang mga papel. Ipinaliwanag nama niya ang lahat ng mga gagawin. Kasama na rin ang mga rules and regulation dito sa McDonald's. Medyo nalilito ako kasi ang dami, pero siguro maiintidan ko lalo ito kapag dinemo at actual na talaga. Nang matapos siya sa pagsasalita ay isinulat ko na din 'yung iskedyul ng pagpasok ko dito.

Monday
Day off

Tuesday
6:00 pm to 12:00 am

Wednesday
12:00 pm to 6:00 pm

Thursday
Day off

Friday
6:00 pm to 12:00 am

Saturday
6:00 pm to 12:00 am

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now