Zen's POV
Nang matapos ang klase ay dumaan muna ako sa locker ko para kuhain 'yung gagamitin kong uniform sa trabaho. After kong makuha ay nagpaalam na ako sa kanila.
Hindi naman masiyadong traffic ngayon kaya medyo napaaga ang dating ko sa store. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko si Michael na may papel na binubutingting kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.
"Uyy bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
Umupo na din ako sa katapat niyang upuan.
"Ay Zen, ikaw pala 'yan."
"Yeah, it's me. Ganda ko pa rin no?"
"Ikaw nga 'yan HAHAHA!"
"Bakit ngayon ka lang pumasok?"
"Something just happened."
"Ano 'yun?"
"Chismosa ka no?"
"Curious lang! Oa mo! Tadyakan kita diyan eh."
"Napakabrutal mo talaga! HAHAHA!"
"Iniiba mo lang ang usapan eh! Ano ba kasi 'yun."
"Hmm... nagpapagwapo kasi ako."
"Putang-inang 'yan! Wala kang ambag sa ganda ko!" Pikon kong sabi sa kaniya pero tinawanan lang niya ako.
"Potek! Lutong mo magmura! HAHAHA!"
"Mas malutong ako mangotong!"
"HAHAHA!"
"Saya ka?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya.
"Galit ka na niyan?" Natatawa pa ring tanong niya.
"Libre mo nalang ako ng milktea para may dulot ka na ulit."
"'Yan tayo eh!"
"Bilis na! Ngayon ka na nga lang pumasok eh!"
"Bakit namiss mo ba ako?"
Tumitig muna ako sa kaniya.
"Paano kung sabihin kong oo?" Pang-aasar ko sa kaniya. Namula naman tuloy siya.
Potek! Kinilig ang gago!
HAHAHA!
"Totoo?" Hindi niya maipaniwalang tanong sa akin.
"Oo nga! Bilis na, baka magbago pa isip ko!"
"Niloloko mo lang ako eh!"
"Hindi nga! Kulit mo!"
"Tsk! Anong flavor ba gusto mo?"
"Wintermelon."
"Ayaw mo bang sumama?"
"Saan ka ba bibili?"
"Sa may boni."
"Ang layo eh. Baka mahirapan lang tayong makasakay."
"May motor naman akong dala eh."
"Tara!" Excited kong sabi. Kinuha muna niya 'yung bag ko at inilagay sa office. Kinuhaan din niya ko ng extrang helmet.
"Yakap ka na sa akin." Sabi niya ng maka-angkas ako.
"At bakit, aber?"
"Kung malalaglag ka dapat sa akin nalang."

YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...