Zen's POV
Halos atakihin naman ako sa puso kanina habang paalis ng banyo.
Laro naman! Hindi na ata ako virgin HAHAHA!
Napasandal naman ako sa laker dahil sa pagod at pagkahingal. Napahawak nalang din ako sa dibdib ko dahil ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko, na parang ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya no gwapota dito sa paligid.
King-ina kasi nun, eh! Ang landi! Napakalandi!
Nang makita kong papunta na si gwapota sa pwesto ko ay dali-dali ko namang sinarado 'yung laker at umalis.
"Stop right there!"
"Ahh! May manyakol!"
Hindi naman ako nagkakape pero halos magpalpitate na ako kakatakbo dahil may humahabol sa akin.
"Uy, te? Ba't ganiyan ang itsura mo? Para kang nakipagrambulan. A-Ayos ka lang ba?" tanong ni Melody sa akin ng makarating ako sa gym.
"O-Oo naman. Akala ko kasi late na ako kaya ako nagmadali."
"Ah, okay. Tara na."
Pagpasok namin sa loob ay pumwesto naman kami sa pinakadulo, kung saan malayo ang agwat kanila Ron. Sa gilid kasi nila 'yung may bakanteng puwesto kaso hindi naman kami dumikit sa kanila dahil may alitan pa rin kami nung isa. Nakaramdam naman tuloy ako ng matinding hiya dahil nadamay sila sa away namin ni gwapota kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko yung abs—este, 'yung nangyari kanina.
"Ayos ka lang ba talaga, te?"
"Nahihiya lang kasi ako dahil sa nangyari kanina."
"Don't be. Hindi ikaw ang may kasalanan nun. Ikaw ang biktima at si Carlo ang may gawa nung kalokohang 'yun kaya nagalit si Ma'am."
"Kaya nga, te."
Oo, tama! Si gwapota ang may kasalanan nun kaya siya dapat ang makonsensya.
"Kala mo kung sinong guwapo! Eh, guwapo naman talaga!" saad ni Nuelle na ikinatawa naman nila.
"HAHAHA!"
"Rupok mo diyan, te!"
"Matagal na! Pasalamat nalang talaga te at guwapo siya. Kaso nakakaekis 'yung ganung ugali, giatay."
"HAHAHA!"
Habang wala pa si Ma'am Ayra ay nagkuwentuhan muna kami. Napatingin naman ako sa gilid ko nang makita kong papalapit sa amin 'yung ibang kaklase namin.
"Hi," bati sa amin nila Khen Rose.
"Hello din."
"Upo kayo, te. Magchikahan muna tayo habang wala pa si Ma'am"
"Salamat."
"Ayos ka na ba, Zen?" tanong ni Mariz sa akin.
"Oo naman. Wala lang 'yun sa akin."
"A-Alam mo Zen, ikaw palang ang nakita naming binully ni Carlo," sabi ni Vanessa kaya napahinto naman ako sa pagtataka.
"Kaya nga. Ito palang ang unang pagkakataon," pagsasang-ayon ng iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/118963653-288-k822672.jpg)
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Novela Juvenil[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...