Chapter 55

500 17 2
                                        

Zen's POV

"Sige na, uuwi na ako." Pagpapaalam ni Michael sa amin pagkatapos niya kaming maihatid sa bahay.

"Salamat, pre." Ani ni Jared bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Napatingin naman ako kay Jared.

"Ayos ka lang?"

Huminga muna ako ng malalim saka lumingon pabalik kay Michael. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Oo naman." Sinubukan ko naman maging natural kahit na nalulungkot ako ngayon.

"Hindi ka naman okay, eh."

"Alam mo naman pala, eh."

"Hahaha."

"Happy ka, no?" Natatawang sabi ko sa kaniya kaya mas lalo lamang siyang natawa.

"Hays..."

"Baby."

"Bakit?" Nakangiwi kong sambit sa kaniya.

"Sana maintindihan mo si Jared. Para naman 'to sa ikabubuti mo, eh. Alam mo naman kung gaano siya magalit kapag nasasaktan ka. Atsaka tama na rin siguro na umalis ka doon. Inaaway ka lang naman nila, eh."

"Alam ko naman 'yun. Nanghihinayang lang ako doon sa inoffer sa akin ni Chairman."

"Maganda nga ang offer, nakasisigurado ba silang ligtas ka na doon?"

"Oo?"

Napanguso naman ako sa kaniya.

Bigla naman niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Oh, diba? Hindi ka din sigurado aa bagay na 'yan. Kaya kung ako sa'yo makikinig nalang ako kay Jared."

"Ano pa nga ba ang choice ko?" Mas lalo naman niyang pinipi ang mukha ko.

"Aray ko naman." Sabi ko sabay hampas sa kamay nita.

"Ang cute mo."

"Matagal na."

"Hahaha. Oh, sige na, aalis na ako."

"Dito ka muna kahit saglit lang."

"Baka kasi hinahanap na ako di Daddy."

"Ano ba 'yan. Sige na nga, ba-bye na."

"Wait lang, may sasabihin pa ako."

"Ano na naman 'yun? Eksena ka din, eh."

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Kailangan mo daw maging jowa ko-"

"Tang-ina, umuwi ka na. Madilim na ang langit. Huwag mong hayaang dumilim din ang paningin ko sa'yo."

"HAHAHA!"

"Bye!"

Hinintay ko muna siyang umalis ko bago sinara ang gate.

Pagkapasok ko sa loob ay hindi ko naman naabutan si Jared sa sala. Baka nasa kwarto niya na 'yun para makapagpahinga.

Nilinis ko muna 'yung mga kalat. Hinugasan ko na din 'yung mga nakatambak na hugasin bago ako tuluyang umakyat sa taas.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now