Zen's POV
"Hoy! Bumangon ka na! Finals na ngayon ng laban mo!"
"Oo na! Kalma! Gigising na!"
Inis naman tuloy akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa ingay ni Jared. Nagpahinga muna ako bago ako pumasok sa cr para maligo. After kong naligo ay nagbihis na ako ng uniform at bumaba na.
Naabutan ko na nag-aalmusal na si Jared kaya agad ko siyang sinaluhan.
"Galingan mo mamaya, may ibibigay ako sa'yo." Sabi niya.
"Jowa ba 'yan?" Pagbibiro ko pero masamang tingin lang ang isinukli niya kaya natawa ako.
Nang makapagready na kami ay hinihintay na lang namin si Mommy para makaalis na kami. Silang dalawa lang kasi ang kasama ko ngayon kaso baka malilate daw si Mommy dahil may ipapasa pa daw muna siyang mga paperworks sa office nila.
Well, kung tinatanong niyo kung okay na kami ni Michael ay hindi pa. Hindi pa kami nagkakausap o nagkakatext. Mabuti nga at pinayagan niya akong magparequest off ng tatlong araw eh. Isa para sa overnight namin kala Nuelle nung Friday at 'yung dalawa naman ay para sa review day ko nung Saturday at Sunday.
Tapos nung overnight naman namin ay alas kwatro na ata ng madaling araw kami nakatulog. At masasabi ko na nag-enjoy talaga kami sa moment na 'yun. Kumain, movie marathon, kwentuhan at asaran. Kinaumagahan din ng sabado ay umuwi na ako. Isa araw lang kasi ang pinaalam ko kay Mommy. Atsaka magrereview pa ako dahil ngayong araw na ang Finals ng NUSPC.
Super kinakabahan talaga ako dahil sampo nalang kaming natitira at siguradong marami ang manonood mamaya. May tiwala naman ako sa ganda ko na kaya ayos lang HAHAHA!
Nang maayos na ni Mommy ang sasakyan ay sumakay na kami ni Jared.
Naabutan kami ng traffic pero okay lang kasi maaga pa naman at nagkaroon pa ako ng time para magreview. Nagdala pa kasi ako ng mga dictionaries para habang wala pa ay makakapagreview pa ako.
Pagdating namin sa school ay hinintay muna naming makaalis si Mommy bago kami pumasok sa school. Open gate naman ngayon pero kailangan pa rin magpakita ng id at maglista ng pangalan sa log book.
Pagdating namin sa quadrangle ay halos mahiya ako sa kinakatayuan ko dahil nakatingin sila sa amin. May nakangiti, may walang pakialam, may nagbubulungan at panay ang parinig ng mga malalandi kay Jared. Kumapit naman ako sa braso niya para painggitin pa sila. Taka namang tumingin sa akin si Jared pero kinindatan ko nalang siya.
KAPAG INGGIT PIKIT! NOW CHOKE!
HAHAHA!
Nang makita namin sila Alina sa field ay agad kaming lumapit at nagkamustahan.
"Saan pala gaganapin 'yung laban niyo te?"
"Auditorium daw eh."
"Anong oras?"
"9 pa naman." May isang oras pa kami.
"Kain muna tayo."
"Tara."
Dumiretso na muna kami sa cafeteria para kumain. Para may laman din ang maganda kong utak mamaya. Nilbre naman kami ni Jared kaya tuwang-tuwa ang mga bakla. Halos mapuno naman 'yung table namin dahil sa dami ng inorder niya. Kailangan daw busog ako mamaya para hindi daw ako lutang doon mamaya.
SANAOL HAHAHA!
Habang kumakain kami ay napansin ko na kakapasok lang nila Franzheska kasama ang mga pangit niyang tropapips sa loob ng cafeteria.
Tropapips! HAHAHA!
"Wala na. Hindi na masaya. May mga pangit na dumating." Sabi ni Shane kaya nagtawanan naman kami. Siniko naman ako ni Jared para sabihing bakit. Nagkibit balikat nalang ako. Nang makita kami kami ay abot tenga kaagad ang ngiti nila.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Novela Juvenil[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
