AUTHOR'S NOTE:
Hello bhie! Ito na ang hinahanatay mong special chapter para sa'yo. Pasensya na kung natagalan. Alam mo naman na busy tayo sa mga gawain at nakisama pa ang Steno sa pagguho ng buhay natin hahaha.
Anyway te, thank you sa lahat kasi isa ka talaga sa mga tumulong sa akin sa online class na 'to. Salamat din pala sa sagot na binibigay mo kapag hindi ko na talaga alam lalo na pagdating sa shorthand.
Kaya bilang pagbawi ay ginawan kita nito. Alam kong kulang pa 'to para sa lagat ng mga ginawa mo. Kaya sana ma-enjoy mo 'to, te.
Thank you talaga ng marami.
rjssayMara's POV
Nang nakarating kami sa Nasugbu, Batangas at nang masilayan ko ang ganda ng lugar ay tila ba'y nagsipawalaan lahat ng pagod ko sa katawan ko. 'Yung tipong kahit 'yung stress ko ay nawala din. Siguro nga ay napagod talaga ako ng gusto dahil sa dami ng mga gawain namin kaya ganito nalang makisama ang katawan ko sa nararamdaman ko ngayon.
Tatlong araw naman kaming mananatili dito kaya sisiguraduhin ko talaga na maglillibang ako ng husto at susulitin ko ang konting panahon na nandito kami.
Kasalukuyan naman akong nandito ngayong nasa loob ng kwarto kung saan hinati-hati kami sa tatlong miyembro. Isang buong hotel kasi ang inarkela ng unibersidad namin para sa gaganaping retreat namin ngayon. Syempre, hiwalay ang mga kalalakihan sa mga babae. At ang kasama ko sa kwarto ay sina Natnat at Angel kaso kanina pa sila bumaba para gumala muna at mamasyal muna sa lugar. Sasama sana ako sa kanila kaso iniwan naman nila ako kaya wala naman na akong nagawa at nanatili nalang ako dito sa loob.
Nang magpasado alas tres na ng hapon ay napagdesisyunan ko nang bumaba. Alas singko kasi ang call time namin. Magkakaroon muna kasi kami ng kaunting programa na pag-uusapan sa gagawin namin dito sa loob ng tatlong araw bago kami kumain.
Nagpalit muna ako ng simpleng off shoulder smocked tops at maong na short. Kailangan ko kasing iakma ang suot ko dito. Syempre, nasa beach kami. Alangan naman na magsuot ako ng pangmadre para lang sa walang kwentang mindset ng mga lalaki pagdating sa pagsuot ng damit. Mga utak talaba, eh.
Paglabas ko ng lobby mg hotel ay may nakasanggi naman sa sa akin. Halos mapamura naman ako dahil muntikan na akong malaglag sa hagdanan.
"Huwag ka ngang humarang sa daanan." Ani nung babaeng nakabangga sa akin. Literal naman na umarko ang kanang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Gusto mo sumabog mukha mo?" Pagtataray ko na ikinabigla naman niya. Pero dapat lang, siya na nga 'tong muntik nang makadisgrasya tapos siya pa 'tong may kapal ng mukha mag-inarte.
"N-Nakaharang ka kasi sa daan."
"Malamang dadaan ang maganda."
Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Huwag mo akong taas-taasan diyan ng kilay, tapyasin ko 'yan."
"Tsk." Inirapan naman niya ako sabay talikod. Mabuti nalang talaga at nakapagtimpi ako at baka masampal ko lang ang intestine niya.
Maglalakad naman na sana ako nang may sumanggi muli sa akin dahilan para mapamura na talaga ako.
"Tang-ina naman, oh!" Bulyaw ko doon sa tao.
Pagharap naman nito sa akin ay literal na lumaglag ang panga ko at napanganga nalang. Napakurap naman ako ng ilang beses kasi hindi talaga ako makapaniwala.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Jugendliteratur[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...