Chapter 18

604 19 0
                                    

Zen's POV

Kasalukuyan naman akong nasa dyip ngayon. Inabutan kasi ako ng trapiko sa daan dahil tumambay pa kasi kami sa field. Atsaka, mag-isa lang din akong bumiyahe ngayon pauwi dahil mag-o-overtime pa rin daw si Mommy. Si Jared naman ay may pinuntahan kaya hindi raw niya ako masusundo. Napabusangot nalang talaga ako dahil yayayain ko pa naman siyang kumain sa labas. Pero, ewan ko ba kung saan 'yun pupunta. Wala naman siyang nabanggit sa akin.

Sa kalagitnaan ng trapiko ay nakita ko 'yung anak nung Congressman at mukhang sasakay din ata kung saang dyip ako nakasakay. Umupo naman siya sa harapan ko, sa bukanan ng dyip pero mukhang hindi niya ata napansin 'yung ganda ko.

Ayy! 'Wag ganun, boy.

Halatang may lakad ang kupal. Mambababae rin 'to panigurado. Huwag nang magtaka. Natural na 'yan sa mga lalaki. Lalo na sa mga ganitong itsura.

Maya-maya rin ay umandar na 'yung dyip na sinasakyan namin.

"Paabot po. Sa Crossing lang po, Kuya."

Napakunot naman ako dahil akala ko ay taga-Mandaluyong din siya. Pero mukhang dito siya nakatira sa Sta. Mesa. Nang humarap na siya sa akin ay nanlaki naman ang mata niya dahil sa ganda ko.

Well! Tumabi kayo, ako na.

"Oh, ikaw pala 'yan, baby."

Baby? Kadiri amputa!

"Hindi ako 'to."

"Hahaha, ikaw talaga."

Nginiwian ko naman siya dahil akala mo naman kung makipag-usap siya ay para bang sobrang matagal na kaming magkaibigan.

"Pauwi ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Hmm."

"Hindi mo ba itatanong kung bakit?"

"Sabog ka?" tanong ko na ikinagulat naman niya.

"H-Hindi, ah."

"Tch."

"Bilis na. Sabihin mo muna na bakit."

"Bakit?" tinatamad kong tugon.

"Ang ganda mo kasi."

Tang-ina! Mukhang magkakasundo kami nitong mokong na 'to.

"Ang ingay mo. Ako lang 'to."

"Hahaha!"

Basta usapang maganda ay sasali palagi ako diyan. Papasapaw pa ba ako?

"Saan ang punta mo?" tanong ko naman sa kaniya.

"Sa Cebu."

Cebu?!

Nanahimik naman ako.

"Cebu-hay mo," dagdag pa niya kaya ang kinalabasan ay binatukan ko siya.

Huhugot ka pang kupal ka, ha?

"A-Aray ko naman! Ang bigat ng kamay mo," aniya habang hinihimas yung ulo niya.

"Gusto mong ilibing sa Cebu?"

Tang-inang 'to. Pag-untugin ko pa sila ng Cebu, eh.

"Hehehe, biro lang."

"Saan nga ang punta mo?" tanong ko muli sa kaniya.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now