AUTHOR'S NOTE:
Asahan po ninyo na mahahaba na ang mga chapter na ipapublish ko. Nasa kalagitnaan na po kasi tayo ng kwento kaya expect niyo na mas intense na ang mga mangyayari.
Sa mga umabot sa chapter na ito ay lubos po akong nagpapasalamat. Nawa'y i-crushback kayo ng mga bebe niyo.
HAHAHA!
Enjoy reading.....
Zen's POV
Pagkauwi ko sa bahay ay nahiga kaagad ako sa kama.
Grabe! Ang daming ganap ngayong araw! From landian to chismisan! Jusko po!
Binuksan ko muna 'yung laptop para magliwaliw muna sa social media tutal wala naman akong ginagawa. Halos maglumpasay naman ako dito sa kama nang makita ko kung sino ang wallpaper ng laptop ko.
Paolo.
FUTURE KO!
EMERGERD!
HAHAHA!
Nagpatugtog muna ako sa YouTube habang nagbibihis. Napapasayaw nalang ako dahil sa tugtog. Tumigil nalang ako dahil nararamdaman ko na mukha akong tuod habang pinapanood ko amg sarili ko sa salamin.
After kong magbihis ay nahiga ulit ako sa kama.
Hayyss..
"Zen?" Tawag ni Jared sa may pintuan.
"Bakit?"
"Pwede akong pumasok?"
"Sige lang."
Pumasok na siya sa kwarto ko at naupo din sa kama ko.
"Hey." Aniya.
"Bakit?"
"Okay ka lang ba?"
Umupo naman ako.
"Oo naman. Medyo pagod lang ako sa intramurals."
"Dapat kasi hindi ka na sumali eh."
"Kung pwede lang eh. Sayang naman kasi 'yung premyo. Pandagdag ko rin kasi sa tuition."
"Sorry kung wala akong maitulong. Ayaw din kasi akong pagayan ni Mama kasi walang magbabantay sa'yo."
"Ehhh! Hindi muna naman kailangan gawin 'yun. Kaya ko naman ang sarili ko."
"Sige! Magyabang ka pa!"
"Huwag kang ano! Talent ko din 'yan."
"HAHAHA!"
"May pasok ka ba mamaya?" Tanong niya. Nagsenyas naman siya na hiramin muna 'yung laptop ko kaya tumango naman ako.
"Wala. Nagpaalam naman ako kay Michael eh. Besides, he insisted it." Nagkibit balikat nalang siya.
Nahiga na ulit ako para matulog. Pipikit na sana ako ng bigla siyang sumigaw.
"SINO 'TO?!" I almost jumped out of my bed when he shout.
"PUTRAGIS!" Gulat na sigaw ko. Tinitigan naman niya ako ng masama.
"Ano na naman?!"
"Minumura mo ba ako?!"
"Nagulat kasi ako! Bakit ka ba kasi sumisigaw?! Kita mong matutulog ang tao eh!" Inis na sabi ko sa kaniya.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Novela Juvenil[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
