Zen's POV
Susugod na sana ako nang naglabas ng baril 'yung lalaking mayabang kanina.
"Napahinto ka ata," nakangisi niyang sabi sa akin.
"Hindi porket mahina kang manapak, maglalabas ka na ng baril? Huwag ganun, boi."
"T-Tang-ina! Anong sabi mo?!"
"Mahina ka."
"Kanina ka pa! Namumuro ka na sa'king bakla ka!"
"Puro bakla nalang ba ang sasabihin ko? Wala na bang bago?"
"K-Kung barilin ko kaya kayo?!"
Huminga muna ako ng malalim dahil kailangan ko munang tansyahin ang sitwasyon. Gayunman ay posibleng madamay 'yung mga kaibigan ko kaya kailangan kong mag-ingat dahil puwede niyang makalabit 'yung baril na hawak niya anumang oras.
Nang medyo kumalma na ang dibdib ko ay matalim naman akong tumitig sa kaniya dahilan para mapaatras siya sa bigla.
"H-Huwag mo akong tingnan ng ganiyan, babarilin talaga kita."
"Huwag mong hayaan na ako mapasakamay ko 'yang baril mo kun'di—"
"K-Kun'di, ano?! A-Anong gagawin m-mo?!"
"Papakitaan kita ng salamangkang hindi mo pa nakikita."
Nakita ko namang hirap siyang ikasa 'yung baril na hawak niya. Nanginginig rin ang kamay niya senyales na hindi talaga siya marunong gumamit nito.
Nang makakita ako ng pagkakataon ay dali-dali akong sumugod sa kaniya. Hindi naman niya ito inaasahan kaya mabilis kong naagaw 'yung baril na hawak niya at mabilis ko namang tinanggal ang bala nito atsaka ibinato sa malayo.
Nang akmang tatakbo siya palayo sa akin ay agad ko siyang tinadyakan sa likuran dahilan para bumalibag sa sahig. Bago pa man siya makagapang ay tinapakan ko naman ang likuran niya. Mas lalo ko namang diniinan 'yung pagkakatapak ko dahilan para mahirapan siya sa paghinga.
"Huwag mo akong daanin sa yabang dahil wala pa 'yan sa kalahati ng mayroon ako."
Napansin ko naman sa gilid ng mata ko na unti-unti ng nagsipag-alisan at nagsipagtakbuhan 'yung mga kasama niya, kaya ay tatlo nalang silang natitira dito. At sila din mismo 'yung tatlong nang trip sa akin nung nasa laker ako kanina. Tinadyakan ko naman muli sa tagiliran 'yung lalaking nakahiga bago ako seryosong lumapit naman doon sa dalawang naglakad na magpaiwan.
Nang makakuha ulit ako ng tiyempo ay agad kong binaltak 'yung uniporme niya at hinatak paharap sa akin. Nang akmang sasapakin niya ako ay agad ko na siyang inunahan ng sapak sa mukha at sinipa sa tiyan. Hindi naman siya kaagad nakaganti at napahiga nalang siya sa sahig dahil sa pamimilipit sa sakit.
"Kapag nakabilang ako ng tatlo at hindi pa kayo umalis, papaduguin ko mga nguso niyo," gitil kong sabi sa kanila.
Nag-aalinlangan namang umalis 'yung dalawa dahil sinenyasan sila nung kasama nilang lalaki. Napangisi nalamg ako ng tuluyan nang dahan-dahan silang umatras nang magsimula ulit akong maglakad patungo sa kanila.
Lalapitan ko na sana 'yung isang lalaki nang bigla nalang hatakin nung dalawa pang lalaki sina Marlene at Rhea, dahilan para mas lalo pa silang maiyak dahil sa nangyayari. Napakiskis ko nalang 'yung mga ngipin ko sa inis dahil kinakabahan na ako sa kalagayan ng mga kasama ko.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Ficção Adolescente[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...