Zen's POV
Pagkatapos naming maayos 'yung mga gagamitin bukas para sa team building ay pinayagan naman kami ng Head namin na magliwaliw muna habang maaga pa. Pero pinaalalahanan pa kami sa mga bagay na gagawin namin para maiwasan ang pagkakaroon ng problema kung sakali man magka-aberya.
Halos lahat naman kami ay tumungo na kaagad malapit sa dalampasigan na kung saan may isang videoke sa gilid na may mini stage din at may bon fire naman sa gitna. Naupo naman kaming magkaka-ibigan sa buhangin kung saan nasa likuran namin ang dagat. Maganda kasi ang pwesto dito sapagkat may mga ilang puno pa sa paligid at mapresko pa ang hangin.
Tapos hanggang ngayon ay suot-suot ko pa din ang pinahiram na jacket ni Carlo sa akin kanina. Huwag ko na daw munang hubarin ito dahil baka lamigin lang daw ako.
Napasulyap naman ako sa kaniya na kasalukuyang nakatingin din siya sa akin. Nasa kabilang banda sila ng lugar at kasama din niya ang ilang mga kaklase naming lalaki habang nag-uusap. Napangiti naman ako ng maluwag sapagkat nasusubukan na niyang makipaghalubilo at makipag-kaibigan sa ibang tao. Atsaka, ang dami nang nabago sa pag-uugali niya at halos lahat 'yun ay sa mabuting paraan. Dati kasi ay palaging seryoso lang ang pagmumukha niya, ni hindi umiimik, palagi ding tipid kung sumagot at higit sa lahat ay palagi siyang galit. Ngunit ngayon ay iba na at isa 'yun sa mga bagay na hinahangaan ko sa kaniya. Para bang napapanatag na ako.
Naagaw naman ang atensyon ko kay Nuelle at Shane ngayon na nag-aagawan sa mikropono ng videoke.
"Ako muna, te," saad ni Shane.
"Huwag ka nang kumanta, te. Masisira mo lang ang mga tenga namin," wika naman ni Nuelle pabalik sa kaniya.
"Wow! Nagsalita ang sintunado."
"Oo nga. Nagsalita ka."
"HAHAHA!"
"Akin na nga 'yan. Nagtatalo pa kayo, eh, parehas lang naman kayong sintunado," sabi ni Rhea sabay kuha sa mikropono. Dumiretso naman na siya sa videoke. 'Yung dalawa naman ay hindi na umimik dahil alam nila na tama ang sinabi ni Rhea ukol doon. Gayunpaman, maganda talaga ang boses ni Rhea at maging si Jennier pagdating sa kantahan. At masasabi talaga namin ba pwede silang sumali sa mga patimpalak.
Nagulat naman ako ng umupo sa tabi ko si Carlo.
"Hey," aniya. Hindi ko naman alam ang itutugon ko kaya ngumiti nalang ako sa kaniya.
"You okay?"
"Oo naman. Naninibago lang talaga ako," sabi ko habang nakatingin sa paligid.
"Gusto mo bang kumain?"
"Busog pa ako."
"You want some drinks? Juice, coffee?"
Umiling naman ako sa kaniya.
"Or me? Just choose."
Kumunot naman ang noo ko sabay lingon sa kaniya.
"Pagod lang 'yan. Magpahinga," tugon ko dahilan para sabay kaming matawa.
"Mabuti naman at nakikipaghalubilo ka na sa mga kaklase natin."
"Medyo naiilang pa din ako."
"Natural lang naman 'yan sa una. Pero maganda 'yun."
"Mas maganda ka."
Napatigil naman at tumitig sa kaniya.
"Ang landi mo."
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Ficção Adolescente[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
