Zen's POV
Pagdating ko Chowking ay nandun na nga si Jared, nakatayo at inaatay na ako. Hanggang ngayon ay naiilang pa din ako sa mga inasal ko sa kaniya kagabi. Hindi ko naman tuloy alam kung anong gagawin ko.
Kinuha naman na niya ang bag ko. Hindi na lang ako umangal baka kasi nagtatampo pa rin siya sa akin. Alam ko naman na hinding-hindi siya magagalit sa akin kaso ayoko pa rin na may tampuhan sa aming dalawa ni Jared. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko kung paano ko siya kakausapin. Kapag ibubuka ko naman ang bibig ko ay nawawalan kaagad ako ng lakas at wala din akong maisip na saktong salita ba sasabihin ko sa kaniya.
Tahimik naman kaming nag-aantay ng masasakyan. Walang kibuan man lang habang nakatayo kami dito sa gilid. Nang pumara na siya ng jeep ay agad kong hinatak ang kamay niya.
"Hindi po kami sasakay, kuya. Pasensya na!" sigaw ko kay kuyang drayber.
Hinila ko naman ang kamay niya at sabay kaming tumakbo papunta sa kabilang tawiran.
"H-Hey, what are you doing?" naguguluhan niyang tanong sa akin.
Hindi ko naman siya sinagot. Halos atakihin na nga kami sa layo ng itinakbo namin.
"Saan tayo pupunta?"
Huminto naman kami sa kakatakbo at naglakad nalang.
"Basta."
Kinindatan ko naman siya. Ngayon kasi ako babawi sa kaniya. Kinunutan lang niya ako ng noo kaya hinatak ko nalang si Jared sa pupuntahan namin. Naglakad nalang kami tutal ay medyo malapit na rin naman ang pupuntahan namin.
"A-Anong ginagawa natin dito?" sabi niya habang iginagala ang mata niya sa paligid.
Nandito kami ngayon sa Recto Manila. Dito ako mismo babawi sa kaniya. Ililibre ko siya dito ng mga street foods makabawi man lang sa pag-iinarte ko kahapon.
"Babawi ako sayo, hehe."
Napakamot nalang ako sa ulo. Napatitig naman siya sa akin na para bang hindi niya maintindihan ang sinabi ko.
"Ha?"
"Babawi nga ako sa'yo ngayon."
"Zen, you don't have to do this. Makita lang naman kitang ngumiti, ayos na ako dun." sabi niya sa akin.
"Yieehh, sanaol."
Kiniliti ko naman siya pero tinapik niya lang ang kamay ko at tumitig sa akin ng seryoso. Walang gana naman akong tumingin sa kaniya dahil siya naman ang may topak ngayon.
"Tch. Huwag ka nang mag-inarte, nandito na rin naman tayo, eh."
Bigla naman niya akong tinalikuran at naglakad na paalis.
Siraulong 'to!
"Jared," tawag ko sa kaniya pero dinedma lang ako.
Hanep!
"Isa!"
Dinedma niya pa rin ako. Napakamot naman ako sa ulo ko dahil mukhang sinusubukan ata ako nito. Pero, tingnan nakang natin kung uubra ka.
"Jared, sinasabi ko sayo kapag umabot ito ng tatlo yari ka talaga sa akin," pagbabanta ko sa kaniya pero wa-epek lang sa kaniya.
Lakad pa rin siya nang lakad palayo sa akin. Napangiwi nalang ako sa inis dahil medyo malayo-layo na siya.
"Dalawa,"
Napangisi naman ako dahil bumagal ang lakad niya.
"Kapag naglakad ka pa ng isang hakbang, tatadyakan talaga kitang kupal ka!" seryosong sabi ko sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/118963653-288-k822672.jpg)
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...