Chapter 53

485 17 1
                                        

Zen's POV

Habang umiiyak ako sa tabi niya ay may naramdaman naman akong humahaplos sa ulo ko. Pagka-angat ko naman ng ulo ko ay nakita kong gising na si Jared habang malungkot nakatingin sa akin.

"W-why are you crying?" Paos at mahinang sabi niya.

Nanlaki naman 'yung mata ko dahil sa pagkabigla.

"J-jared... JARED!" Napayakap at napahagulgol nalang ako sa kaniya.

"Shhh... huwag ka nang umiyak. I'm fine."

Tanging iyak lang ako ng iyak sa bisig niya. Bigla nalang kasi naghalo-halo 'yung mga emosyon ko kaya hindi ko na napigilang maluha na lamang.

Tapos hindi naman mag-umapaw sa saya ang nararamdaman ko ngayon sapagkat gising na siya. Gising na si Jared.

"I'm so s-sorry, J-jared. I'm really really sorry. Kasalanan ko kung bakit 'to n-nangyari sa'yo. Sorry kung hindi ako nakinig sa mga payo mo. Sorry, s-sorry talaga..."

Hinawakan naman niya ang pisngi kk. Ngumiti muna siya bago niya pinunasan ang mga luha kong nagsisipatakan na naman.

"G-galit ka ba sa akin?"

"H-huh? Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

"K-kasi ako ang dahilan kung bakit ka nakahiga dito..."

Napayuko nalang ako kasi kinakain na talaga ako ng konsensya ko patungkol sa nangyari sa kaniya.

"Look at me." Mahinahong sabi niya.

Tumingin naman ako sa mata ni Jared.

"It's not your fault. So, don't blame yourself about what happened, okay?"

"Hindi ko kasi maiwasan, eh. Sana nakinig nalang ako sa mga sinabi mo para hindi na humantong pa sa ganitong sitwasyon."

"Sinunod mo naman ang mga payo ko. Sadyang makikitid lang talaga ang mga pag-iisip na mayroon sila para makaintindi sa mga bagay bagay."

"Basta, huwag mo nang uulitin 'yun Jared. Hindi ko kayang mawala ka..."

"Mas hindi ko kakayanin kapag ikaw ang napahamak."

"Eh, paano nalang kung hindi lang 'to ang mangyari sa'yo?" Naiiyak ko na namang usal.

"Mas ikakapanatag ko pa na may nangyaring masama sa akin kaysa sa'yo. Alam mo naman na mahalaga ka sa akin kaya poprotektaham kita kahit na ikapahamak ko pa."

"Jared..."

Hindi ko alam basta napayakap nalang ako sa kaniya. Nakakataba kasi sa puso 'yung mga sinabi niya. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal niya sa akin bilang magpinsan.

"Tumahan ka na, alam mo naman na hindi ako mapalagay kapag umiiyak ka, eh"

Unayos naman ako ng pagkakaupo.

"Salamat sa lahat, Jared. Salamat sa pag-alaga, pagprotekta at pagtatiyaga sa ugali ko."

"Wala 'yun. Atsaka, kahit sino pa 'yan ay haharapin ko, maprotektahan lang kita."

Nakangiting usal niya para ipasigurado sa akin na ayos na talaga siya.

Tinawagan ko na din kaagad sila Tita ba ayos na ang lagay ni Jared.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now