Zen's POV
Kinabukasan ay sumakay nalang ako ng jeep papuntang school kasi maagang umalis si Mommy dahil may pupuntahan pa raw siya. 7:30 pa kasi ang pasok ko. Ihahatid sana ako ni Jared kaso sabi ko huwag na dahil kaya ko naman. Baka kasi ay maabala ko din siya sa mga gagawin niya.
Nasa may Sampaloc, Manila na ako, malapit na sa may kanto papuntang NU. Hindi pa nga ako nakakapagsabi kay Mommy na magdo-dorm nalang ako. Libre naman kasi 'yun sa mga manlalaro. Atsaka, hindi na ako makakagastos ng pamasahe at hindi na mapapagod si Mommy ihatid ako dito. Medyo dagdag abala rin kasi, lalo na at malayo ang Mandaluyong dito sa Manila. Baka kasi ay abutin pa ako ng trapiko ko. Kasabay pa nun ang pagod sa biyahe.
Pero alam ko naman na si Jared kaagad ang unang tatanggi sa kanila. Masyado kasing labis na nag-aalala 'yun sa kalagayan ko kaya hindi niya ako pinapayagan. At kailangan ko ding sabihin sa kaniya ang mga ganung bagay. Nang huminto ito ay bumaba na ako at nilakad ko nalang papuntang N.U., tutal malapit na rin naman. Pagpasok ko sa gate ay saktong nakasabay ko sila Alina, Rhea, Marlene, Melody at Nuelle.
"Magandang umaga, Zen."
"Magandang umaga."
"Kumusta na, Zen? Ako kasi, maganda pa rin," biglang sabi ni Nuelle.
"Tukmol 'yang babae na 'yan," bulong sakin ni Alina at huwag ko na lamang daw pansinin.
Dire-diretso lang kami sa paglalakad habang ngawa nang ngawa si Nuelle. Natatawa nalang ako kasi halos lahat sila ay walang gana ang mga mukha dahil sa dami ng mga kinukwento ni Nuelle.
"Pansinin niyo naman ako. Baka naman, te."
"Ang aga-aga kasi, te. Ang ingay mo agad."
"Gaga, pangpa-energy ko 'yun."
"Nga pala, Zen. 'Yung kwento mo, nakalimutan mo ng sabihin samin."
Bigla ko namang naalala 'yung ikikuwento ko sa kanila.
"Sa lahat ng mga sinabi, ngayon lang ako sayo natuwa," saad ni Melody saka sila nag-apir ni Nuelle.
"Sige."
"Maupo muna tayo doon. May 50 minutes pa naman tayo bago magsimula ang klase."
Turo ni Rhea sa may gilid ng puno na malapit sa kinatatayuan namin.
"Uy, 'diba, si Shane yun?" sabi ni Marlene.
"Tulisan!" biglang sigaw ni Nuelle.
"Bakit pala tulisan?" natatawang tanong ko.
"Hintayin mo paglapit niya."
Papalapit na sa amin 'yung Shane nang tumayo si Nuelle papalapit sa kaniya na may dalang chichirya. Nagulat naman ako ng biglang isinubsob ni Nuelle 'yung hawak niyang chichirya sa baba nung Shane.
"Shining, shimmering, splendid."
Lahat naman sila nagtawanan ngunit naiwan namang tulala 'yung ekspresyon ko.
"Ayan, mapanakit sa maganda, ha?"
"Nasaan 'yung ganda diyan, te? Mongoloid ka?"
"Wala ka kasing ganda kaya hindi mo makita."
"Magsama nga kayong mga pilingera," panglalait ni Melody kanila Nuelle at dun sa Shane kaya nagtawanan na naman ulit sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/118963653-288-k822672.jpg)
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...