Zen's POV
Kasalukuyan ginagamot ni Ron ko yung kamay ko. Hindi ko naman siya matingnan ng maayos dahil nahihiya ako sa nangyari. Sinabi ko naman na ayos lang ako, pero nagpumilit pa rin siya na sumunod. Inagawan na nga niya ng trabaho yung nars dito sa infirmary, eh.
Kaming tatlo lang din ang naiwan dito kasama ang nars. Bumalik kasi sila Alina sa kapiterya sabi ni Ron dahil nakikipag-away daw kasi si Nuelle doon sa nang-away sa akin. Gusto ko sanang sumunod doon kaso ayaw naman akong payagan ng isang 'to. Baka raw kasi ay mapahamak ako. At kailangan pang malinisan ang sugat ko baka magka-impeksyon.
Hindi pa rin ako nagpupunas at nakakapagpalit ng damit kaya naman ay sobrang lagkit ko ngayon. Sobrang makulay din ng damit ko dahil ibat ibang flavor ba naman 'yung inihagis uniporme ko.
"Pasensya ka na pala Zen doon sa ginawa ni Carlo," sabi niya.
Kasalukuyan na niyang nilalagyan ng gasa ang kaliwang kamay ko na nasugatan dahil sa pagkakatama sa bubog. Pagkatapos ay binendahan niya na din ito.
Bakit naman kaya siya yung nagsosorry para sa kasalanang hindi naman niya ginawa?
"Ikaw ba ang nang-away sa akin?"
"Huh? H-Hindi."
"Ikaw ba ang nanabunot sa akin?"
"Hindi."
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit ako naging makulay?"
Tiningnan niya muna yung uniporme ko at sabay kaming natawa.
"I'm his friend, kaya responsible din ako sa gulong nagawa niya," natatawa paring sabi niya.
"Tch, Isa siyang malaking kupal."
"I don't know what to say?" natatawang tugon niya sa akin.
Habang nagkukwentuhan kami, rinig na rinig ko na ang pagsisigaw ni Nuelle. Papunta na ata sila dito sa infirmary.
"Kala nila hindi ko sila papatulan! Ang papangit nila! Ano ba?! Bitiwan niyo nga ako!"
Mga ilang sandali lang ay nandito na sila sa loob.
"Hayaan mo na nga lang, te!"
"Anong hayaan, te? Haler! Hindi puwedeng balewalain ko nalang 'yung ginawa kay Zen. Inggit lang sila. Mukha silang mga dragon."
"Makapag inarte sila kala mo mga kagandahan!" Dagdag pa niya habang mababakas pa din ang inis kay Nuelle.
Pagkatapos ay lumapit naman sila sa akin.
"A-Ano te, ayos na ba 'yang sugat mo?" tanong ni Marlene sa akin.
"Oo, ayos lang ako. Salamat."
Ngumiti naman ako sa kanila para sabihing ayos lang talaga ako. Pero sa totoo lang ay hindi pa rin mawala ang inis ko sa kanila. Lalo na sa lalaking 'yun.
"Wala 'yun, te. Kami pa ba."
"Pasensya na din pala kung hindi ka kaagad namin nalapitan. N-Natakot kasi kami kay Carlo, eh."
Naalala ko na naman tuloy 'yung nangyari kanina. Nagsabi naman ako na kung bakit ako natalisod pero sarkastikong tugon lang ang narinig ko sa kaniya.
May araw ka din sa akin, tandaan mo 'yan.
"Ayos lang 'yun sa akin."
"Bakit ka nga pala nandito?" sabi ni Nuelle kay Ron.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...