Chapter 51

438 19 0
                                    

Zen's POV

"Pasenya na Mr. Arriola, pero base sa pahayag na narinig ko ay kasalanan mo ang lahat ng pangyayaring ito."

"Kailangan kitang i-expelled para sa ikabubuti ng lahat."

Bullshit.

Napakuyom nalang ako ng kamao at kalmadong nakikipagtitigan sa kaniya kahit na halos pumutok na ako sa inis dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Napansin ko naman ang pagkatuwa ng mga kalalakihan dahil mukhang nanalo sila at napaniwala na ako talaga ang may kasalanan sa lahat ng ito.

"Ganun ho kaagad, desisyon na ho ba ang tawag doon?!" Hindi ko naman maiwasang taasan siya ng boses dahil sa pagkapikon.

"Lower your voice Mr. Arriola."

Matunog naman akong napangisi.

"Lahat ay sasang-ayon sa desisyong iyon dahil 'yun ang tama. Narinig ko lahat ang mga pahayag ng bawat isa sa inyo kaya minabuti kong ito ang gawing aksiyon ukol sa aksidenteng ito."

"Bakit ho, Dean? Sapat na ho ba 'yang mga panghuhusga at kasinungalingan nila para makapagdesisyon ho kayo kaagad?"

"What's wrong with you, Mr. Arrriola? Hindi ka naman ganyan."

"Wala hong mali sa akin. Wala ni kahit isa. Ngunit sa inyo hong lahat, meron. Kayo ang mali maging ang mga mapanghusga niyong ugali."

"Where's your manners, Mr. Arriola?!" Hindi na rin maiwasang hindi ako taasan ng boses ni Dean.

"Manners? Seriously? You are asking my manners without asking yourself instead?" Manghang sabi ko habang tinitingan sila mag-isa.

Ramdam ko na din ang pamumula ng mukha ko, senyales na malapit na ako sa limitasyon ko.

"Sa tingin ko ay tama lang talaga na tanggalin kita. Hindi ako papayag na may estudyanteng katulad mo ang makapasok sa paaralang ito. Matalino ka pa namang estudyante pero hindi mo alam kung paano rumespeto ng mga taong matanda sa'yo." Mapait niyang sabi habang nandidiring nakatingin sa akin.

Awit. Lumalabas talaga ang ugali ng isang tao kapag ganto ang usapan.

"Hindi lang ho sa mas matanda ang respeto. Sa lahat ho pwede 'yun. But, I do respect others if they deserved to be respected." Laglag pa nga naman si Dean matapos kong sabihin ito sa mata niya ng walang pag-aalinlangan.

"To be honest ho, hindi ho ako bastos na tao. Hindi rin ho ako masamang tao. Pero alam niyo ho ba ang totoong rason ko kung bakit ho ako nakikipag-argumento sa inyo?"

"Ano ba ang pinaglalaban mo?"

"KASI HINDI NIYO MAN LANG HO AKO BINIGYAN NG PAGKAKATAON PARA IPAGLABAN ANG SARILI KO!" Sigaw ko sa harap niya dahilan para mabigla ang lahat.

Wala na. Hindi na ako nakapagpigil. Tuluyan na akong nilamon ng limitasyon ko. Kahit na pasensya ko ay bumigay na din dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now