AUTHOR'S NOTE:
Mababaw mang tingnan pero umiyak talaga ko ng ilang beses sa chapter na 'to. 😭
Enjoy reading...
Zen's POV
"M-marco..." Sabi nung lalaki.
Si Marco?
Si Marco ang lalaking ito?! Ang lalaking nagligtas sa akin?!
Agad naman akong humiwalay mula sa pagkakayakap niya. Halos manlaki naman ang mata ko nang mapagtanto kong si Marco nga ito.
Napabalik nalang ako sa wisyo nang makita kong may tama siya ng baril sa balikat kaya napaluhod nalang ito sa sahig. Umangat naman ang tingin niya sa akin na nakangiti habang tinitiis ang kirot dahil sa baril na tumama sa balikat niya.
Gustuhin ko mang ngumiti pabalik sa kaniya ngunit nababalewala ito dahil sa mga tanong na bumabagabag sa isip ko.
Bakit siya nandito?
Paano niya nalaman na nandito kami?
Kasabwat rin ba siya sa pangyayaring ito?
Aksidente lang ba na naparito siya?
Napakuyom ko nalang ang kamao ko dahil sa samu't-saring tanong na hindi ko malaman ang mga kasagutan.
Napadako naman ako doon sa lalaking may hawak ng baril habang gulat ang mababakas sa mukha niya. Bago pa siya makatingin sa akin ay agad ko nang sinipa ang baril na hawak niya pataas. Agad ko din siyang sinipa sa tiyan bago saluhin ang baril at itutok sa kaniya.
"ZEN!" Sigaw ni Carlo at Marco ngunit hindi ko man lang siya pinakinggan. Sa halip, matalim ko lang tiningnan ang lalaki habang gulat pa din sa pangyayari.
"Ilang beses akong nakiusap pero hindi mo ako pinakinggan. Ngayong sinagad mo ako, magpasensyahan tayo." Seryoso kong sabi habang nanginginig ang kamay ko sa galit.
"ZEN, PUT IT DOWN!" Sigaw ni Carlo sa hindi kalayuan.
"Hindi mo na rin kailangan pang magkubli diyan sa bonet mo dahil kilala ko na ang pagkatao mo. Jet." Kalmado kong sabi na mas lalong ikinagulat niya.
Siya lang naman 'yung isa sa mga lalaking nantrip sa akin sa cr. Sila din 'yung lalaking nakapambuno ni Carlo matapos ako magawa nang chismis ni Franzheska na ginahasa daw nila ako.
Tsk!
"Sinasabi ko sa'yo. Bukod sa matalino ako, may mahika ako." Nakangising sabi ko.
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagtangis ng bagang niya.
Tatayo na sana siya ng ikasa ko ang baril na hawak ko. Ngunit agad namang pumagitna si Marco dahilan para mapahinto kaming dalawa.
"Tabi." Kalmado kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mata ni Marco.
"Nakikiusap ako Zen. Ibaba mo ang baril."
"Nakikiusap din ako sayo Marco. Huwag mo nang sabayan pa ang galit ko."
"Zen..." Pakikiusap niya.
Inalis naman niya ang tingin niya sa akin at tumingin doon sa lalaki.
"Umalis ka na Jet."
"Ayoko! Kailangan kong-"
"PLEASE LANG JET! UMALIS KANA!" Napahinto naman ako dahil biglaang pagsigaw ni Marco.
Ngayon ko pa lamang kasi siyang nakitang sumigaw at galit na galit dahil sa hindi ko alam na dahilan. Parang ibang Marco kasi ang kaharap ko ngayon.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
