Chapter 16

607 23 0
                                    

Nuelle's POV

Buwakanang shet!

Muntikan na talagang tumama 'yun sa napakaganda kong mukha. Kaya kapag natamaan yung mukha ko kanina, maghahanap talaga ako ng mukha ng aso para ipalit sa mukha niya. Mabuti nalang talaga at alisto si Zen kanina dahil paniguradong dudugo ang ilong ko sa lakas ng pagkakatama kung sakali man. Pero in fairness, ang angas ni Zen dun kanina. Nasalo niya ng walang kahirap-hirap 'yung chuckie na tatama sana sa mukha ko.

Nakakapagtaka lang kasi sapagkat nag-iiba ang ekspresyon niya tuwing ganito. Tapos ang angas kasi at bilis niyang gumalaw. Hindi ko nga namalayan ang lahat. Napagtanto ko nalang na nasa harapan ko na pala ang kamay ni Zen.

Magaganda nga lang ata ng makagagawa nun, eh. Mabuti nalang talaga ay magkasing ganda kami ni Zen. Walang kaduda-duda doon.

Napabalik naman ako sa katinuan ng kumilos si Zen. Dahan-dahan naman siyang lumapit doon sa lalaki kaya medyo nakaramdam naman ako ng kaba dahil baka magkagulo na naman. At paniguradong mabubugbog si Zen dahil sa dami nila.

Lumapit naman ako ng kaunti dahil  hindi namin marinig 'yung pinag-uusapan nila. Pero base sa reakayon ng lalaking iyon ay mukhang nababadtrip siya. At si Zen naman ay mukhang kalmado lang na nakatayo sa harapan nilang lahat.

Paalis na sana si Zen nang makita kong ihahampas nung lalaki 'yung pamalo sa kaniya.

"Gago ka, ha!"

"WAAAAHHH!!!"

Napasigaw naman ang mga tao sa loob ng kapiterya. Bago pa man tumama 'yung pamalo sa ulo ni Zen ay bigla namang sumulpot sa kung saan-saan si Ron upang sanggain ang pamalong tatama sana kay Zen.

Ngunit, Shet! Pakening pakshet talaga!

Napahawak naman ako sa bibig ko.
Tumama kasi 'yung hockey stick sa likod ng ulo ni Ron. Lalapit na sana ako doon nang bigla namang humarap si Ron sa lalaki at bigla niya itong binigwasan dahilan para bumalibag ito sa sahig. Wala namang nakaimik kaagad dahil sa nangyari. At halos balutin na nh katahimikan ang buong kapiterya habang nakatingin kanila Ron, pati doon sa lalaking nakahiga.

Kami naman ay dali-dali naman kaming lumapit kay Zen. Kinuha ko naman itong tiyempo upang hatakin palabas su Zen ng kapiterya.

"B-Bakit ba?" saad ni Zen habang hatak-hatak ko pa rin ang kamay niya.

Naguguluhan naman siyang tumingin sa amin. Nang makarating kami sa field ay huminto muna kami sa paglalakad.

"A-Anong meron?" takang tanong niya sa amin.

"M-Muntikan ka nang hampasin nung pangit na 'yun te."

"S-Sino?"

"N-Nung lalaking nakasagutan mo kanina sa kapiterya."

"Ha?"

"Mabuti nalang at dumating si Ron para sagipin ka. K-Kaso.... Kaso sa ulo niya tumama 'yung p-pamalong tatama s-sayo."

Nanlaki naman ang mata ni Zen. Halatang hindi siya makapaniwala sa nangyari.

"H-Ha? Edi, kailangan ko siyang balikan doon, baka anong nangyari sa kaniya."

Aligaga naman siyang tumayo.

"Sa infirmary na tayo dumiretso. Nakita ko na kasama siya ni Carlo habang nakaakay sa balikat sa niya," saad ni Shane.

Tumango naman kami at pumunta infirmary. Pagdating namin doon ay napakaraming tao sa labas. Tapos ang sasama pa ng tingin sa amin— lalo na kay Zen na halos patayin na siya sa mga tingin ng mga babaeng nandito. Ngunit si Zen ay preteng nakasandal lamang sa gilid habang malalim na nag-iisip.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now