Chapter 72

889 16 1
                                        

Zen's POV

Kinabukasan ay maaga namang dumating sila Mommy. Sila Lola Tina naman ay hindi makakasama dahil may pupuntahan pa siya. 'Yung yateng ginamit namin kagabi ay 'yun din ang yateng sumundo kanila.

Ngayon naman ay kasalukuyan naman kaming nasa labas ngayon habang iginagayak ang mga pagkain namin. 'Yung iba ko namang mga pinsan ay nandun na at nagtatampisaw na sa dagat.

"Hindi ka pa ba maliligo?" tanong ko kay Carlo.

"Maybe later," kibit-balikat niyang sagot sa akin kaya tumango nalang ako.

Marami na kasi silang ginagawa kaya ako nalang kasi ang nagprisentang mag-ihaw ng isda at baboy para sa pananghalian namin mamaya. Mabuti nalang at tinulungan ako ni Carlo sa pag-iihaw ngayon.

"Tch, mauusukan ka lang, eh."

"It's fine."

"B-Bahala ka."

Pasado alas otso palang ng umaga at mamayang hapon pa ang uwi namin kaya medyo mahaba-haba pa ang oras namin dito sa isla.

"Jared, pabantay naman ako."

"Bakit ako na naman ang nakita mo?"

"Tito-"

"Ano ka ba, gusto ko kayang may ginagawa ako hehe."

Napangisi nalang ako dahil paniguradong inis na inis na naman 'yan sa akin si Jared.

"Salamat."

"Tch, nakakailan ka na, ha?"

"Kaya nga salamat, eh."

"Tch, ewan ko sa'yo."

"Hahaha."

Tinanguan ko naman si Carlo at naglakad na kami patungo sa loob ng kubo.

"Kumain ka na muna, may kukunin lang ako sa taas."

"O-Okay."

Pagkatapos kong magbihis ay sinabayan ko na din sa pagkain si Carlo.

"M-Magdahan-dahan ka nga sa pagkain," pananaway niya habang nakatingin sa akin.

"Gutom ako."

"Tch."

"Bilisan mo nalang kayang kumain. May pupuntahan tayo."

"H-Huh-Where?"

"Basta, malalaman mo nalang mamaya."

"O-Okay."

Pagkatapos naming kumain ay agad naman kaming tumungo sa kabilang dako ng isla.

"Where are we going?"

"May kukunin lang ako?"

"And, what is it?"

Hindi naman ako sumagot at pumasok nalang doon sa bahay na pupuntahan namin.

"Oh Zen, mabuti naman at nakarating ka na," bungad ni Tita Che ng makita niya kami.

"Ayos na po ba?"

"Oo, kagabi ko pa inihanda. Ah, nasa likod bahay na 'yun."

"Salamat po."

"Walang anuman."

Napatingin naman ako kay Carlo dahil parang nakakita siya ng multo sa itsura niya.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now