Zen's POV
"Puwede ko na ho bang makuha 'yung pagsusulit?" pagsasabat ko sa pananahimik nilang lahat.
"A-Ah, sure."
Tumingin naman si Dean sa kaniyang sekretarya.
"M-Ms. Garcia, accompany him."
"Yes Dean."
Paglabas ko ng opisina ay sumunod na din sila Alina sa akin.
"Hintayin niyo nalang ako. Saglitan ko lang 'yun"
"S-Sige, te. Galingan mo, ha?"
Huminga muna ako ng malamin.
"Pasensya ulit dahil sa nangyari—"
"Ano ka ba te, ayos lang 'yun. Kaibigan ka namin kaya ipagtatanggol ka namin," pagpuputol ni Nuelle sa sasabihin ko.
"Kaaway nang isa, kaaway ng lahat!" Sabi ni Rhea.
"Tama, te!"
"Para na nga tayong magkakapatid," singit naman ni Shane.
"Pero wala akong kapatid na pangit. Ampon ka lang!" sabi ni Melody kaya naman nagtawanan sila.
Napangiti nalang ako dahil mukhang ayos lang naman talaga sila.
"Ikaw nga napulot lang sa basurahan eh!"
"Ikaw naman sa ilog pasig!"
"HAHAHA!"
"Oh, sige na, mag-eexam na muna ako."
"Goodluck!"
"Hmm."
Pagkatapos nun ay sumunod na ako sa sekretary ni Dean at dumiretso na sa ikalawang palagpag ng Principal's Office.
"25 items sa Math, 25 items sa English, 30 items sa science, 20 items sa Filipino at 50 items sa Abstract Reasoning. Over all, 150 items. And you only have 1 hour to take the exam," pagpapaliwanag niya sa gagawin ko.
"Sige ho."
Nang ibigay niya sa akin 'yung sasagutan ko ay dali-dali agad akong nagsimula. Binasa ko ng maigi lahat ng mga tanong para wala nang masabi si Dean. Mabuti nalang at tanda ko pa 'yung mga tanong kaya hindi naging mahirap sa akin na sagutan ang lahat ng mga katanungan.
"Tapos na po ako Miss." Sabi ko sa secretary.
"P-Pero, p-pitong minuto palang ang nagagamit mo nung tinake mo 'yung e-exam," hindi niya mapaniwalang sabi sa akin.
"Madali lang naman ho 'yung exam."
"W-What?"
"Bakit ho?"
"I-I mean, okay. Pero may ilang minuto ka pang natitira upang tingnan muli 'yung mga sagot mo.
"Sigurado naman po ako. Minalian ko nalang po ng dalawa."
"W-What?!"
"Opo."
Napatitig naman tuloy siya sa akin dahil sa ganda ko.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
