AUTHOR'S NOTE:
SPECIAL CHAPTER WITH THE JUANS!!!
Bilang pasasalamat ko sa isang matalik, tunay at isa sa pinakadabest na kaibigan sa mundo ay ginawan ko siya ng Special Chapter kasama ang sikat na Filipino Boy Band na The Juans.
Big fan (Juanista) po talaga siya ng The Juans at isa sila sa mga inspirasyon niya sa buhay kaya ginawa ko ang lahat para masuklian ko ang pagkakaibigan namin sa pamamagitan ng kabanatang ito. Kahit na saglit palang kami nagkakakilala ay masasabi kong solid talaga siya maging kaibigan. Kasama ko sa asaran lalo na sa mga kalokohan pero in a good way naman hahaha.
This is for you bebe Angge. Hindi man ako kagalingan pero sana magustuhan mo ang regalo ko sa'yo. I love youuu!💖
P.S. Basahin niyo po ang chapter na 'to habang pinapakinggan ang mga kanta nila. Huwag niyo pong basahin ang liriko ng kanta para tuloy-tuloy lamang ang inyong pagbabasa.
Angel's POV
Kanina pa akong 3 pm dito sa school pero wala pa din sila. Sabi kasi ni Mara na alas tres nalang daw kami magkita-kita dito kasi open gate daw ang school. So, ibig sabihin ay madaming pupunta para manood ng live ng The Juans. Pero pasado alas kwatro na ay wala pa din sila.
Kanina ko pa sila chinachat kaso wala naman akong reply na natatanggap. Kahit i-seen man lang ay wala. Inip na inip na talaga ako dito. Gustong-gusto nang umuwi.
Nagsabi sila na maagang dumating pero sila din pala ang late.
Kaya ayokong sumama, eh. Dapat nanood nalang ako ng K-drama. Patapos na ako sa Start-Up, eh. Ihininto ko lang talaga ang panonood ko kanina kasi nagsabi ako sa kanila na sasama nalang ako dito.
Hindi ko naman kasi kilala ang The Juans. Nagsasayang lang ata ako ng oras dito. Kapag 5 pm na at wala pa sila ay uuwi nalang ako. Marami pa akong aasikasuhin kaysa dito sa concert na 'to na hindi ko naman alam. Baka hindi ko rin marinig ng maayos kung ano ang kakantahin nila kasi siguradong mapupuno lamang ng sigawan, tilian at tulakan ang buong concert nila na gaganapin sa field.
Isa talagang pagkakamali na sumama pa ako dito. Kahit naman na gwapo o magagaling sila ay hindi pa rin ako mag-eenjoy dahil hindi naman ako mahilig sa ganito at na kay Lee Jong Suk ang puso ko.
Habang patagal nang patagal ay padami ng padami ang mga dumadating na estudyante. Karamihan din sa kanila ay may dalang banner at poster ng mga magcoconcert mamaya.
Kahit nandito ako sa lobby ay madidinig mo naman ang lakas ng tugtog na nagmumula sa field. Senyales ata na malapit nang magsimula.
Inis ko namang kinuha ang phone ko para i-text muli sila na kung dadating pa ba sila kasi atat na atat na akong umuwi. Wala pang ilang segundo ay nagreply naman sila. On the way na raw sila Mara at Natnat. Si Zen naman ay malilate daw kasi kalalabas lang daw niya sa trabaho.
Si Zen ay maiintindihan ko pa kung bakit natagalan, eh. Pero 'yung dalawa ay makakatikim talaga sa akin. Wala naman silang trabaho. Mas lalo na walang gagawin na school works kasi classmate ko sila. Siguro ay nagpaganda sila husto para maagaw ang atensyon ng iniidolo nila. Well, I know hindi 'yun mangyayari kasi sa dami ba naman ng kababaihan lalo na at ang gaganda pa na nagkakandarapa din sa The Juans.
Habang naghihintay sa kanila ay pumunta muna ako ng garden para maghanap muna ng mauupuan. Kanina pa kasi ako nakatayo doon kakahintay sa kanila. Atsaka, dumadami na din ang mga taong nakatambay doon. Nakakairita din kasi panay sigawan ang mga bababe doon at puro The Juans ang naririnig ko. Nakakarindi na. Kesho ganyan daw sila, ganito daw. My gosh, for pete sake!
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...