Chapter 77

951 15 0
                                        

Zen's POV

"Zen, ayoko na. Naawa na ako sa'yo, eh. Parang hirap na hirap ka ng pakisamahan ako. Pero bilib din talaga ako sa'yo."

"Let's end this, Zen. I'm breaking up with you. H-Hindi ko na kaya. Kailangan na kitang bitawan kasi alam kong hindi kita mapapasaya. Ako na kasi yung may problema ngayon, eh. Nasasaktan na kasi talaga ako. Sarili ko 'yung hindi ko maintindihan. I'm immature, arrogant, and self-centered. I'm not sure what's going on, and I'm easily get irritated. But I'm like this because I'm sadder than I am happy. I don't really need a good reason to end our relationship, do I? Ako lang naman yung nag pumilit na sagutin mo ako. Sorry makulit talaga ako, eh. So I'm letting you go. Kung problema lang ang naging dala ko sa'yo, I'm sorry."

"Mahal kita, pero ayoko na. Hindi ko na kaya."

"Kailangan, eh. Hindi naman dahil sa iyo kung hindi dahil din sa akin. Pero hindi naman lahat ito para sa akin kung hindi para din sa'yo 'to. Kahit na ilang beses tayo magpaalam sa isa't-isa, tandaan mo palagi na wala akong minahal at wala rin ako sigurong mamahalin tulad ng na ibinigay ko sa iyo."

"Please take care of yourself."

Hindi ko maintindihan ang lahat. Hindi ko maintindihan si Carlo. Litong-lito ako at kung anu-anong pumapasok sa isipan ko. Pinapakiramdaman ko naman ang sarili ko pero parang hindi pumapasok sa sistema ko ang lahat ng mga sinabi ni Carlo. Na parang ang lahat ng mga sinabi niyang iyon ay nagpaulit-ulit sa pandinig ko. Na sa sobrang lakas ay parang nasa harapan lang siya.

Ano bang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

Pilit kong inalala 'yung mga naging usapan namin simula nung umaga pero wala akong mapansin na may mali roon. Bigla naman tuloy pumasok sa isipan ko ang huling nangyari. Ang pag-uusap namin ni Jeff.

Nakita niya kaya kami?

May narinig ba siya?

Pero kahit may marinig siya, wala naman siyang dapat ikagalit sa mga sinabi ko. Sa katunayan ay dapat pa nga siyang matuwa dahil doon. Dahil lahat ng maririnig niya ay patungkol iyon kung gaano ako kasaya na siya ang taong nilaanan ko ng pagkakataon.

Sa ngayon ay dalawang bagay lang ang alam ko. Malungkot ako at nasasaktan ako ng husto.

Napaupo nalang ako sa gilid dahil sa panlalambot ng binti ko. Napayuko na lamang din ako sa tuhod ko dahil pakiramdam ko ay nawala na ang lahat. Parang nawalan na nang saysay ang lahat. Nakakainis lang dahil wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari kung bakit biglaan ang ganito. Kung bakit nalang nakipaghiwalay si Carlo. Kasi kahit anong gawin ko ay wala akong makitang mali sa ginawa ko.

Sana hinayaan naman muna niya akong magpaliwanag. O sana sinabi muna niya sa akin 'yung mga rason para man lang may ideya ako kung bakit. Para kahit papaano ay hindi ako magmukhang-tanga dito na nangangapa sa mga katanungang bumabagabag sa akin.

Ang sakit lang, dahil ang bilis niyang magdesisyon na makipaghiwalay sa akin. Wala man lang akong kaalam-alam tapos malalaman ko nalang na ganun na ang gusto niyang mangyari.

Napaangat naman ako ng tingin maramdaman kong may tao sa harapan ko. Pagtingin ko naman ay nakatayo si Anwir habang seryosong nakatingin sa akin. Dahan-dahan namang umupo siya sa harapan ko para magpantay kami.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now