AUTHOR'S NOTE:
This would be the last chapter of Captured Unwillingly By Heart Season 1. The last chapter will see a lot of action. Some of you will cry, be hurt, become angry, and feel sorry for it. But keep in mind that not everyone who has been hurt will never get up. So, we'll just have to wait and see what happens.
Zen's POV
"Zen, wake up. It's already seven in the morning." Naramdaman ko naman ang mainit na pala ni Carlo sa pisngi ko.
"Hmm... mamaya na. Inaantok pa ako," sabi ko, tumalukbong pa ng kumot.
"Come on, sleepyhead," mahinahon niyang sagot. "You barely slept last night. You should eat something before we go."
Napairap ako kahit hindi niya kita. "Mamaya na. Hindi pa ako ready bumangon."
Narinig ko siyang mahinang natawa — 'yung tipong hindi nang-aasar, kun'di parang may halong lambing. "If you keep waiting for 'mamaya,' we'll end up missing breakfast."
"Tch," mahinang sagot ko, pero alam kong wala na akong laban. Baka buhatin pa niya ako papuntang restroom.
Napabuntong-hininga ako bago bumangon, sabay himas sa buhok kong gusot. Halos mabigat pa rin ang ulo ko dahil kulang talaga sa tulog. Hindi kasi ako mapakali kagabi—iniisip ko lahat ng sinabi ni Carlo.
Hindi ko alam kung paano ko dapat intindihin 'yun. Hindi naman siya 'yung tipo ng lalaking basta-basta magsasabi ng kung ano, kaya lalo lang akong naguluhan.
Pagmulat ko, nando'n siya—nakaupo sa gilid ng kama, nakangiti, hawak ang tasa ng kape.
"Here," sabi niya sabay abot sa akin. "Mainit pa. Para medyo magising ka."
Tinanggap ko iyon, medyo nagulat. "Nilagyan mo ng creamer?"
"Two spoons. Just how you like it," sagot niya.
Napayuko ako, napangiti nang bahagya. "Salamat."
"Of course." Tumayo siya, saka inayos ang mga gamit sa mesa. Bihis na bihis na siya—suot ang dirty white trouser niya, naka-tucked-in ang plain skin-tone shirt, at malinis ang puting sapatos. Pero kahit simple lang, may dating talaga.
"You should change soon," sabi niya habang tumingin sa akin, hindi mapigilang mapangiti. "We'll leave after breakfast. I don't want you skipping meals again."
"Concerned?" tanong ko, pilit na pinipigilan ang ngiti.
He chuckled softly. "Always."
Tahimik akong napatingin sa kanya. May kung anong init sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag — hindi dahil sa kape, kundi dahil sa kung paano niya sinabi 'yon. Sincere. Simple. Pero ramdam.
"Carlo..." mahina kong sabi.
He turned to me. "Hmm?"
"Wala. Just... thank you."
Ngumiti siya, 'yung tipong banayad at totoo. "Anytime, Zen."
At sa sandaling 'yon, hindi ko alam kung paano, pero parang gumaan lahat—'yung pagod, 'yung isipin, pati 'yung gulo sa loob ko.
"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko habang sinisimsim ang mainit na kape.
"We'll go strawberry picking," sagot ni Carlo, kaswal lang.
Napangiwi ako. "Inaantok pa kasi ako. Patataniman ko na lang kayo ng strawberry. Kahit punuin ko pa ng lahat ng gulay sa bahay-kubo."
Saktong hihiga na sana ako nang bigla siyang nagmaktol.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
