PROLOGUE

3.8K 96 10
                                        

AUTHORS NOTE:


Paunawa: Ang akdang ito ay likhang-isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, at mga pangyayari na isinalarawan dito ay mga produkto ng imahinasyon ng may-akda. Ang anumang pagkakahawig sa mga tunay na tao, buhay man o patay, tunay na pangyayari, o umiiral na mga lugar ay lubos na aksidente at di-sadya. Ang may-akda ay walang layuning magkaroon ng koneksyon o representasyon ng anumang tunay na mga indibidwal, pangyayari, o mga lugar sa akdang ito. Ang kuwento ay umiiral lamang sa larangan ng kathang-isip at dapat itong itamasa bilang ganoon.

Disclaimer: This literary work is a product of fiction. The names, places, and events depicted within are solely the imaginative creations of the author. Any similarity to real individuals, whether living or deceased, actual events, or existing locations is purely coincidental and unintentional. The author intends no connection or representation of any real-life individuals, events, or places in this work. The story exists within the realm of fiction and should be enjoyed as such.

Prologue:

"I have a crush on you."

Bigla siyang sumeryoso, kaya naman natahimik ako sa aking kinatatayuan. Napatitig ako sa kanyang mga mata dahil dama kong nagsasabi siya ng totoo. Gusto ko sanang magsalita, kaso tila naubusan ako ng sasabihin. Hindi ko rin mapag-isipan kung ano ang tamang tugon matapos ang pagtatapat niyang iyon.

"U-Uuwi na ako," nauutal kong sabi.

Hindi pa man ako nakalalayo ay naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.

"I'm sorry if I only said it now. I didn't know how, and I was too nervous to tell you before."

Marahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Hindi naman importante kung sinabi mo o hindi, eh."

"W-What do you mean?"

"Kasi wala namang magbabago. At hindi sapat ang pagkakaibigan natin para magkagusto rin ako sa iyo."

Napaatras siya at bakas ang matinding lungkot sa kanyang mga mata. Doon ko lamang napagtanto ang bigat ng sinabi ko. Sa katunayan, dapat ay sa isip ko lang iyon, ngunit hindi ko akalaing maibibigkas ko pala nang malakas sa harap niya.

"I-It's okay," aniya, kaya napakunot ang noo ko.

"It doesn't matter if you don't reciprocate my feelings. But I promise that someday, I will do my best to make you feel the same way."

Napatulala ako. Hindi man lang siya nag-alinlangang sabihin iyon kahit napakakumplikado ng sitwasyon. Nagbalik lamang ako sa katinuan nang muli siyang lumapit sa akin.

"And I will start fulfilling that promise, right here, right now."

"H-Hindi nga puwede. At masyado ka pang bata para maintindihan ang mga ganyang bagay."

"Once I set my heart on someone, I won't let go."

Napalunok ako nang tuluyan na siyang makalapit. Walang humpay ang pagkabog ng puso ko.

"For now, let us get married."

"H-Hoy! A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo?!"

"Huh? That I will marry you."

"A-Anong 'married' ka diyan? H-Hindi mo ba alam ang ibig sabihin niyan?"

"I know."

"E-Eh, dapat alam mo ring hindi puwede ang ganito."

"Trust me, I can do anything to make it happen."

Kasabay niyon ay muli niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang ngumiti siya nang buong galak. Hindi na ako umimik at hinayaan na lang siyang akayin ako. Napansin kong patungo kami sa lugar kung saan kami madalas maglaro. Huminto siya sa gilid para mamitas ng iba't ibang bulaklak. Nagtataka ako dahil kanina pa siya kuha nang kuha, pero hindi ko siya magawang tanungin dahil sa hiya.

Nang malapit na kaming pumasok sa loob, may kinalkal siya sa kanyang bag. Maya-maya lang ay ipinatong niya sa ulo ko ang isang korona na gawa sa papel; ang isa naman ay isinuot niya sa sarili niya.

"A-Ano 'to?"

"I'm the prince, and you're my princess."

"Huh?!"

"I told you, I'm going to marry you—right here, right now."

"N-Nahihibang ka na ba?"

"Nope."

Pagkatapos ay ipinahawak niya sa akin ang mga bulaklak.

"I'll enter first. Then, you're going to walk down the aisle, okay?"

"H-Hindi. Uuwi na ako."

"No."

"A-At sino ka para bantaan ako?"

"Then I will ask your Mom's permission for our marriage. You can choose."

Tiningnan ko siya nang masama, pero nginitian niya lang ako bago tuluyang pumasok sa loob. Kahit sinasabi ng isip ko na umalis na at huwag nang ituloy ang laro, may kung anong nagtutulak sa akin na manatili. Napapikit ako sandali at huminga nang malalim bago ihakbang ang aking mga paa papasok.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Halos hindi ko na makilala ang lugar; punong-puno ng mga bulaklak ang paligid. Maging ang puno at ang maliit naming bahay-bahayan ay napapalamutian din ng mga talulot. Sa gitna, kung saan ako naglalakad, may mahabang tela na nagsisilbing aisle patungo sa dulo—kung saan naghihintay ang batang kasalukuyang nakangiti sa akin.

Napatigil ako sa paglinga nang marating ko ang harap niya. Muli siyang ngumiti, dahilan para mas lalo akong kabahan. Kahit alam kong laro-laro lang ito, pakiramdam ko ay totoo ang lahat. May sinasabi siya sa akin pero wala nang pumapasok sa isip ko; masyado akong abala sa pag-iisip kung bakit namin ito ginagawa.

Nabigla ako nang kunin niya ang kaliwa kong kamay. Magsasalita sana ako, ngunit kasabay niyon ang pagsuot niya ng isang laruang singsing sa aking palasingsingan.

"Here, put this ring on my finger," utos niya nang may malambing na tinig.

"H-Huh?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Natawa siya nang bahagya, at siya na mismo ang nagsuot ng kaparehong singsing sa sarili niyang daliri.

"I now pronounce us husband and wife."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang matagal. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya, kasabay ng mainit niyang bulong sa aking tainga:

"I'm going to make this dream come true. I promise..."

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now