Chapter 25

523 21 0
                                    

Zen's POV

Pagkarating namin sa crossing ay sumakay kaagad kami ng bus papuntang Mall of Asia.

"Kung sa Bermuda nalang kayo tayo?" nakangiting tanong niya kaya nakangiting binatukan ko rin siya.

"H-Hindi ba kayo marunong tumanggap ng pinsan mo ng joke?" medyo inis na sabi niya sa akin pero tinawanan ko lang siya.

Habang nasa biyahe ay tumingin nalang ako sa labas. Maya-maya lang din ay nakarating na din kami sa pupuntahan namin.

"Kakain muna ba tayo o gala muna?"

"Gala muna tayo."

"Saan mo ba gustong pumunta maliban sa Bermuda or Sogo?" natatawang banat na naman niya kaya walang-gana naman akong napatingin sa kaniya.

"Nasampal ka na ba?"

"Hahaha! Biro lang 'yun."

"Tch."

"Saan mo ba kasi gustong tumambay? Baka kasi may gusto kang puntahan, eh."

"Seaside nalang muna tayo."

"Nice! Doon din ang gusto ko. Tara."

Sa loob naman ng Mall kami dumaan para malibang-libang din kami sa paglalakad. Ilang sandali lang din ay naamoy ko na ang simoy ng hangin na nagmumula sa dagat.

"Ang langsa," wika ko kay Michael. Nanlaki naman 'yung mata niya kaya natawa naman ako.

"H-Hindi naman, ah!" pagdedepensa ni Michael sa akin matapos niyang amuyin 'yung sarili niya.

"'Yung dagat ang tinutukoy ko."

"Sa sunod ay gandahan mo naman 'yung biro mo! 'Yung kasing ganda mo!"

"Enebe, ang ingay mo."

"Hahaha!"

Nang makita ko na 'yung dagat ay agad kong hinatak 'yung kamay niya. Napatakbo nalang din kami dahil sa pagmamadali ko.

"W-Wait!"

Hindi ko naman siya pinansin at tuloy lang sa paghatak sa kamay niya. Pagkarating namin sa gitna ay napapikit nalang ako dahil sa sarap ng pakiramdam dulot ng hangin.

"Hey."

Napadilat naman ako ng tingin. Nakangiti pala siya sa akin.

"Bakit?"

"Ferris wheel tayo?"

"Bahala ka."

"Let's gaur!"

Nang makapila kami ay siya nalang daw ang magbabayad ng ticket para sa amin. Hindi nalang ako umimik dahil nakaramdam naman ako ng hiya. Si Jared lang kasi ang nanlilibre sa akin kaya hindi ako sanay na ibang tao ang gumagawa nun sa akin, lalo na kung hindi ko pa masyadong kakilala.

"First time?"

"Hindi, masaya lang ako."

"Bakit?"

"Wala lang. Siguro dahil niyaya mo ako. Sakto na rin kasi dahil sobrang abala at pagod ako sa ibang bagay," sabi ko sa kaniya sabay ngiti.

Nang marating namin ang tuktok ay halos tumindig ang balahibo ko dahil sa ganda ng tanawin ng mga street at city lights.

"Tingnan mo 'yun, oh. Ang ganda."

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now