Chapter 4

968 35 2
                                        

Zen's POV

"N-Nakikiusap ako, m-maawa naman kayo," halos mangiyak-ngiyak kong pakiusap habang tumutulo na ang luha ko sa sobrang takot.

Pero tila wala silang naririnig. Patuloy lang silang lumalapit, bitbit ang mga nakakalokong ngiti na parang nanunukso. Mas lalo akong kinabahan nang makita kong halos magkasabay silang naglalakad papunta sa akin, cornering me. Gusto ko nang tumakbo, pero hindi ko magawa. Nanginginig ang buong katawan ko, at parang may invisible na pader na humaharang para hindi ako makagalaw. Isang matinding paralisis na dulot ng takot.

"P-Parang awa niyo na... huwag niyo akong saktan," muli kong pagsusumamo. Pero imbes na maawa, mas lalo pa nilang pinagtawanan ang takot ko.

"HAHAHA!" Isang malakas na tawa ang umalingawngaw—parang musika ng mga demonyo sa tenga ko. Para akong munting kuneho na napalilibutan ng mga lobo; kahit ano ang gawin ko, pakiramdam ko ay wala akong takas. Wala na akong nagawa kundi takpan ang tenga ko at umiyak nang umiyak. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang pagsisikip ng dibdib ko. Unti-unti silang lumapit, hanggang sa—

"H-Huwag!" sigaw ko habang biglang napabalikwas mula sa pagkakahiga.

"Zen, are you okay?" sabay-sabay na tanong nila habang mabilis na lumalapit sa akin.

Agad akong napabangon, habol ang hininga at nanginginig pa rin ang buong katawan. Napatingin ako sa paligid—puro puti ang dingding at amoy disinfectant. Clinic. Nagtataka ako kung bakit ako narito, pero nang dahan-dahang bumalik ang alaala ng nangyari sa gym, biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Halos kapusin ako sa hininga, hindi pa rin makapaniwala sa napakasamang bangungot na iyon. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang kahindik-hindik na pangyayaring tila totoo. Bakit ganoon? Bakit parang ramdam ko pa rin ang takot kahit gising na ako?

"A-Ayos ka lang?" marahang tanong ni Rhea, pilit na sinusubukang pagaanin ang loob ko habang hinahawakan ang balikat ko.

Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko sa kanila. Nakita kong lahat sila ay bakas ang matinding pag-aalala.

"Ayos ka na ba? May masakit pa ba sa'yo?" muling tanong ni Rhea, halatang kinakabahan pa rin sa naging reaksyon ko paggising.

"Zen, naalala mo pa ba kami? Ako 'to si Nuelle, 'yung pinakamaganda mong kaibigan," pabirong sabi ni Nuelle habang nag-iinarte, pilit na binabasag ang mabigat na atmosphere sa loob ng room. Dahil sa hirit niya, sabay-sabay siyang pinagbabatukan nina Alina at Rhea. Matatawa sana ako, pero parang balot pa rin ng trauma ang utak ko dahil sa panaginip na 'yun.

"Zen," may tumawag sa akin mula sa likuran. Napalingon kaming lahat sa boses na iyon.

"Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin. Kung hindi dahil sa'yo, baka nasa ospital na ako ngayon—o mas malala pa," sabi nung kaklase namin na muntik nang matumbahan ng basketball board. "Pasensya na rin dahil nasaktan ka pa at nahimatay. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan, pero utang ko sa'yo ang buhay ko."

"P-Pasensya na rin, Zen. Ako kasi 'yung nag-shoot ng bola kanina," sambit naman ni Ron na nakatayo sa tabi niya. "Hindi namin alam na sira pala 'yung lock ng headboard kaya biglang kumalas. Sobrang sorry talaga, hindi ko sinasadya."

Napatingin ako kay Ron. Sa kabila ng pag-aalala sa mukha niya, napansin ko ang isang anino sa likod niya. Si Carlo. Nakatayo lang siya roon, tahimik at nakasandal sa pader, pinapanood ang bawat galaw ko na parang may binabasa sa reaksyon ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot para pakalmahin ang sarili. "Wala 'yun, aksidente lang ang nangyari. Ang mahalaga, walang nasaktan nang malubha," sabi ko habang pilit na ngumingiti. Gusto ko sanang iparamdam na okay lang ako, pero sa totoo lang, ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko—dala siguro ng bangungot kanina.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now