Chapter 17

597 19 0
                                    

Zen's POV

Kasalukuyan naman kaming nandito sa grocery store ni Jared. Nagugutom daw siya at ng ice cream ang gusto niyang lantakan. Dahil likas na nga sa akin ang pagiging gutom, nanguha din ako ng mga gusto ko. Bahala siyang magbayad diyan. Sinama niya ako dito kaya kargo niya ang mga kukuhain ko.

Pagdating ko sa kahera ay may hawak na si Jared na dalawang liter ng Rocky Road at isang chichirya. Samantalang ako ay isang Piattos, isang Cheepy, dalawang Toblerone, isang Mogu-Mogu, at isang Mang Juan. Syempre kumuha na din ako ng pringles para sulit. Halos mapuno ko na nga 'yung basket sa dami ng mga kinuha ko.

Bakit ba? Batas ako, eh.

Lumapit naman na ako kay Jared kasi nakapila na siya.

"Anong binili—WHAT THE HECK!"

Napahinto naman ako pati 'yung ibang mga kustomer dahil sa sigaw niya. Umatras naman ako ng kaunti para kunwari ay hindi ko siya kasama.Napaka-eskandaloso naman talaga.

Namula naman tuloy 'yung tenga niya dahil sa kahihiyan. Kaya ay sumama naman ang tingin niya sa akin.

"Ibalik mo yan," madiing bulong niya sa akin.

"Ayoko nga. Ang konti lang naman nito, eh," wika ko habang winawagayway 'yung mga kinuha ko sa mukha niya.

Kaso binatukan lang niya ako kaya tinignan ko naman siya ng masama.

"Konti 'yan?! Konti 'yan?!" pamimilosopo niya.

"Edi, huwag na! Uuwi nalang ako! Bahala ka. Mabuhay ka nalang hangga't gusto mo."

Ibinaba ko na yung basket sa harapan niya at nagsimula ng maglakad paalis kaso hinatak na naman 'yung damit ko sa likuran.

Nakakapakening shet talaga!

"Jusko po!"

Napakamot nalang siya sa ulo niya dahil sa katigasan ng ulo ko. Lalong tumalin yung pamatay niyang tingin sa akin dahil umabot ng mahigit limang daang peso 'yung napamili namin. Kaya ay linindatan ko naman siya kaso binatukan lang niya ako.

"Paepal ka? Wala kang friends?"

Sinuntok ko naman siya sa braso.

"A-Aray ko!"

Napatingin naman ulit 'yung mga kustomer, maging 'yung mga kahera dahil sa kupal na 'to. Kaya ay napayuko nalang si Jared sa kahihiyan.

"Nakapakaeskandaloso mo," pang-aasar ko sa kaniya.

Halos masakal ako sa pang-aakbay niya sa akin. Kinuha naman na niya 'yung mga pinamili namin at umalis na ngunit hindi pa rin niya tinatanggal yung kamay niya sa leeg ko. Ngunit imbes na mainis ako ay halos mamatay na ako sa kakatawa sa kaniya.

"HAHAHA!"

Kaya naman ay mas lalo niyang hinihigpitan 'yung pagkaka-akbay niya sa leeg ko.

"HA–di–ako–hinga!"

Nang nasa labas na kami ay saka lang niya binitawan yung leeg ko kaya tinignan ko naman siya ng masama.

"King-ina! Papatayin mo ba ako?" sigaw ko sa kaniya habang nagpipigil ng tawa.

"Malapit na!" pikon niyang usal pero tinawanan ko lang siya.

Binigay na niya sa akin 'yung mga pinamili ko. Akmang kukunin ko na sana ito nang padabog niya itong nilagay sa mukha kong napakaganda. Mabuti nalang at nasalo ko 'yung plastik, dahil kun'di ay nasayang lang talaga.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now