Zen's POV
Nang makalabas ako ng office ni Dean ay agad akong sinalubong nila Shane.
"Hala te! B-bakit ka umiiyak? A-anong nangyari?" Napatungo nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"HOY IKAW! ANONG GINAWA MO SA KAIBIGAN NAMIN?! BAKIT MO SIYA PINAIYAK?!" Galit na sigaw ni Nuelle kay gwapota
"A-ano ako?! B-bakit ako?!" Gulantang na tanong niya. Gusto ko sanang natawa dahil sa reaksyon niya ngunit hindi ko nagawa. Wala talaga akong gana.
"BAKIT?! MAY IBA PA BANG AAWAY SA KANIYA SA LOOB BUKOD SA'YO?!"
"Eh hindi naman talaga ako!"
Sasagot pa sana si Nuelle nang inunahan ko siya.
"W-wala siyang ginawang masama sa akin."
"See? Hilig mong magbintang eh."
"Malay ko ba!"
Tumalikod na ako at naglakad palayo. Namalayan ko nalang na nakarating ako sa may puno sa field. Kung saan ako dati tumatambay at kung saan ako niyakap ni Carlo.
Umupo nalang ako sa sahig. Sumunod naman sila Melody sa akin at naupo sa tabi ko.
"Te..."
"A-alam niyo ba kahapon..." Panimula ko.
"Hindi." Sabay-sabay nilang sabi.
Imbes na mainis ako ay natawa nalang ako. Natawa na din sila kalaunan.
"Wait nga lang kasi! Nagdadrama ako eh." Iyak tawa kong sabi.
"Oo na. Tahimik muna kami."
"Diba nagpaalam ako na pupunta ako sa cr? Habang naghihilamos ako ay pumasok sa loob ng cr ang mga lalaking 'yun. Nakaramdam naman ako ng kaba kaya binilisan ko kumilos. Bago pa ako makalabas ay hinarang nila ako."
"M-may ginawa ba silang masama sa'yo?"
"Wala." Napabuntong hininga naman sila.
"Pero pinagpapasa-pasahan nila at muntik na ako halikan at hubaran."
"ANOOO?!"
"Kalma muna. Hindi pa ako tapos. Oa kayo eh!"
"HAHAHA!"
"Tapos nasampal ko 'yung isa dahil muntik na niya akong mahalikan sa leeg. Tapos naitulak niya ako ng malakas kaya nauntog ako sa pader tapos nawalan ako ng malay."
"Oh my gosh!"
"Ganun ang nangyari kahapon kaya natagalan akong makabalik."
"Kailangan mo silang idemanda te para sa ginawa nilang kababuyan."
"Oo te! Idemanda mo para mawalan na ang mga gagong bastos na 'yun dito sa N.U."
"H-hindi pwede. Nagsabi ako na hindi na ako magdedemanda. Baka kasi makarating kay Mommy."
"Te..." Napayuko nalang ako.
"Eh ano namang ginagawa nung magpinsan doon."
"Napag-utusan daw kasi sila na ni Carlo na gawin sa akin 'yun. Pero sabi ni Carlo ay hindi naman daw siya kaya pinapaimbestigahan na ni Dean ang nangyari."
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Novela Juvenil[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...