Zen's POV
Bumili naman kami sa pizza para may snacks kami mamayang gabi. Nakisingit nalang din ako sa earphone ni Jared habang nasa biyahe kami. Pagkarating namin sa bahay ay umalis daw sila Mommy, nag grocery daw sila ni Tita.
Tumambay nalang ako sa kwarto ko. Si Jared naman ay tumungo muna sa court para doon muna siya tumambay. Ayoko namang lumabas dahil tinatamad naman ako. Pagod rin kasi ako sa byahe. Habang naghihintay ay binuksan ko naman 'yung selpon ko at nagkalikot muna sa Facebook, tutal at ilang araw na din akong hindi nakakapagbukas dahil masyadong abala sa mga gawain.
Hinanap ko naman kaagad 'yung pangalan ni Ron. Syempre add agad. Nagulat nalang ng inaksep kaagad ni Ron 'yung pinadala kong friend request sa kaniya. Agad naman akong napasigaw sa unan ko dahil hindi ko 'yun inaasahan. Sinarado ko muna 'yung laptop ko baka kasi nananaginip lang ako. Sinabayan ko na din ng hilamos para makasigurado ako.
Pagkatapos ko ay friends na talaga kami sa Facebook. Pero wala naman akong balak magchat sa kaniya. Sobrang kapal naman ng mukha ko kapag ganun. Tinignan ko lahat ng pictures niya. Pansin ko din na palagi niya talagang kasama si gwapota at mukhang yayamanin talaga. Karamihan din sa mha litrato nila ay mula sa ibang bansa. Kahit saang anggulo ang gwapo, si gwapota ay laging seryoso lang ang tingin. Minsan naman ay hindi siya nakatingin sa kamera.
Naka pribado na din ata 'yung iba kasi ngayong taon lang 'yung ibang litratong nandiyo, tapos 'yung iba ay wala na. Hindi ko na in-add si gwapota. Panigurado naman kasi na panira lang 'yun at baka magkavirus pa. Delikado pa ang buhay ko dun.
"Zen, kakain na!" sigaw ni Jared mula sa baba kaya nagbihis na ako ng pangbahay.
"Bababa na."
Pagkababa ko ay naabutan ko na naghahanda na si Tito ng hapunan namin.
"Ano po ang ulam, Tito?"
"Syempre, 'yung paborito mo. Adobong manok na maanghang."
"Ayown! Salamat po."
Dumiretso na din ako sa kusina para tulungan si Tito na maglatag ng pagkain sa lamesa.
"Nasaan nga po pala si Jared?" Takang tanong ko.
"Pinasunod ko kanila Tita mo. Ang tagal na naman nila, eh."
Natawa naman ako tuloy ako doon. Ganun kasi sila Mommy kapag nag-gogrocery, inaabot ng mahigit isang oras. Pero para sa kanila ay mga kalahating minuto palang 'yun. Mga ilang minuto lang din ay nandito na sila Tita, dala-dala ang mga pinamili nila. Pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain dahil gutom na din kami.
"Bumili din po pala kami ni Jared ng pizza."
"Opo."
"Edi, magmovie marathon tayo mamaya!"
"Sige po."
Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresentang maghugas ng pinagkainan namin dahil tinakasan din ako ni Jared. Binilisan ko nalang kumilos dahil Miracle in Cell No. 7 pala ang panonoorin namin. Pagkadating ko sa sala ay sakto namang magsisimula na ang palabas. Tumabi naman ako sa gilid ni Jared. Hindi ko na magawang kumain dahil abala talaga ako sa panonood. Ngayon ko palang kasi ito mapapanood. Marami ding nagsasabi na sobrang ganda ng palabas na 'to kaya ganun na lamang ang pagkasabik kong tutukan ito.
Umpisa palang ay nangingilid na 'yung luha ko dahil sa sobranh ganda nha talaga ng kuwento. Nagpupunas naman na ako nang luha, Lalo na pagdating sa dulo dahil literal talaga akong nadala sa emosyong napapanood namin.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...