Chapter 10

743 22 0
                                        

Zen's POV

Alas tres na nang hapon kami umalis para magsimba dito sa amin. Medyo madami naman 'yung tao ngayon dahil mukhang may ipinagdiriwang ang simbahan ngayon. Pagkatapos naming magsimba ay nagyaya naman sina Tita na kumain daw muna kami sa labas dahil matagal na daw naming hindi nagagawa iyon.

Pagkalabas namin ng simbahan ay medyo magulo at marami pa ding tao mga sa paligid. Narinig ko naman sa mga bulungan na nandito rin daw ang Congressman ng Mandaluyong. Napansin ko naman sa hindi kalayuan na may mga bodyguard sa gilid. Siguro nandito ang Congressman oara magbigay ng pundo. Nagulat nalang kami ng lumapit sa amin ang Congressman at nakipagkamay ito kanila Mommy.

"It's been a long time, Krissy," bati nung Congressman.

Tumagal naman ang tingin ko sa kaniya dahil parang mayroon sa kaniya na nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko naman masabi kung ano 'yun pero hindi ako komportable sa presensya niya. Medyo kaedaran lang ni Tito 'yung Congressman, nasa edad trenta ata kung pagbabasehan ang itsura nito.

Ngunit hindi ko naman alam na magkakilala pala sila ni Mommy. Pero nakaramdam naman ako ng parang may kakaiba sa pag-uusap nila. Magkakilala sila na may agwat at pag-iingat sa bawat sinasabi nila. Napatigil naman ako sa pag-iisip ng biglanh tumingin sa akin 'yung Congressman, kasabay naman nun ang pag-ngiti nito.

Nagkaroon naman sila konting batian at kwentuhan kaya naupo muna ako sa upuan habang naghihintay sa kanila. Hinanap ko maman si Jared dahil bigla kasi itong nawala sa tabi ko. Hindi ko din alam kung saan na naman gumala. Habang naghahantay ako ay may lumapit sa akin. Ito 'yung nakasagutan ko sa mall kahapon. At saka ko lamang napagtanto na Tatay niya pala 'yung Congressman.

"I didn't expect to see you here." sabi niya sa akin pero hindi naman ako umimik.

Umupo naman siya sa tabi ko.

"Kakatapos mo lang magsimba tapos ang sungit-sungit mo na agad."

"Mukha mo ba naman kaagad ang makikita ko, kaya paniguradong magkakasala ako," tamad kong sagot sa kaniya kaso tinawanan lang ako

"By the way, sinong hinahantay tay mo?"

"Ang mawala ka sa paningin ko."

Tumawa naman ulit siya kaya mas lalo akong nainis.

"Sino palang kasama mo?" tanong niya muli kaya inis naman akong lumingon sa kaniya.

Bakit ang daming tanong nitong kupal na 'to?

"Ba't tanong ka ng tanong?"

"Would you mind if I join you?"

"Nope, because he's with me."

Nagulat nalang ako nang may nagsalita sa likod ko. Nakaramdam naman ako ng kaluwagan nang dumating si Jared. Pagkatapos ay hindi naman tuloy nakasagot 'yung lalaki. Napansin ko naman na parang hindi siya mapakali nang dumating si Jared sa tabi ko. At mukhang hindi niya rin alam ang gagawin niya. Wala namang nag-iimikan sa kanilang dalawa. Pagtingin ko kay Jared ay seryoso namang nakatingin ito sa lalaki. Huminga naman ako ng malalim bago hinila ko na agad si Jared palayo baka saan pa umabot 'yun titigan nila.

"Kilala mo ba yun?" tanong sa akin ni Jared.

"Hindi."

"Bakit ka kinausap?"

"Nakasagutan ko 'yun kahapon sa Megamall."

"Binastos ka ba?"

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now