Chapter 5

919 31 1
                                        

Zen's POV

"May masakit pa ba sa'yo? W-Wala bang naging problema sa pakiramdam mo?" sunod-sunod na tanong ni Mama habang mahigpit ang hawak sa manibela.

Kasalukuyan kaming nasa biyahe pauwi. Ramdam ko pa rin ang bahagyang pag-ugong sa tenga ko, pero mas malakas ang tibok ng puso ko dahil sa guilt.

"Ayos lang po ako, Ma. Wala rin naman pong naging problema sa tests kanina. Pero sana po ay hindi na kayo lumabas ng office, naabala pa tuloy kayo sa trabaho niyo dahil sa akin," mahina kong sagot.

"Zen, makinig ka. Kahit kailan, hindi ka naging abala sa akin, okay? Anak kita," seryoso niyang sabi na nagpatahimik sa akin.

"Salamat po, Ma."

Pagdating namin sa bahay, agad akong bumaba ng kotse. Hindi ko kasi mahagilap si Jared; may itatanong sana ako sa kaniya tungkol sa mga handouts namin. Papasok na sana ako sa gate nang mapansin kong parang piyesta sa labas—may liga pala ng basketball sa covered court namin.

"Uy, Zen! Gising na ang sleeping beauty!"

Biglang lumapit sa akin si Mika, isa sa mga pinakamaingay kong kaibigan dito sa barangay. Kasunod niya ang kaniyang kapatid na si Irish at ang loyal naming beshie na si Erica.

"Ba't ngayon ka lang, te? Na-miss ka namin! Ang tagal mong hindi nagpapakita sa labas, akala namin kinuha ka na ng mga engkanto sa unibersidad," biro ni Irish.

"Sa true, te. Kamusta naman ang buhay-kolehiyo? Mukhang blooming ka pero bakit parang haggard ang aura?" usisa naman ni Erica. Si Erica ang pinakamatagal kong kaibigan; elementary pa lang, magkakampi na kami sa lahat ng gulo.

"Ayos naman ako. Abala lang talaga sa sandamakmak na requirements kaya hindi ako makalabas-labas," paliwanag ko habang nakangiti. Niyakap nila ako nang mahigpit, 'yung tipong wala nang bitawan.

"Ay, bakit hindi kasali ang maganda sa yakapan? Out of place ang lola niyo!" biglang pagsingit ni Jell.

Si Jell ang "life of the party" sa amin, bagaman madalas ay "Bebang" ang bansag sa kaniya ng iba dahil sa kulit niya. Pero sa akin, Jell lang talaga siya.

"Buhay ka pala, te? Akala ko na-stroke ka na sa kakahanap ng jowa," asar ni Irish sa kaniya.

"Taray, naghahanap na naman ng mabibiktima sa liga," dagdag ni Mika.

"Fresh mo ngayon, dai. Saan ang awra natin?" hirit ni Erica na ikinatawa naming lahat.

"Okay na kayo? Happy na kayo sa panglalait sa akin?" ganti ni Jell habang nakangiting mapang-asar.

"Oo naman, bebs! Ikaw pa ba? Ikaw ang paborito naming asarin," sabay-sabay nilang sagot.

Pero biglang natigil ang tawanan nang mapansin ni Mika ang mukha ko. "Ba't parang may sugat ka, te? At may pasa ka pa sa gilid ng noo?"

"Ah, gasgas lang 'to. Naaksidente lang sa gym kanina," simpleng palusot ko.

"Hala! Hindi ka na tuloy clear skin. Hindi ka na niyan makakahanap ng Engineer na umiigting ang panga!" biro ni Jell.

"Wala namang ganyanan. Baka magkatotoo, mahirapan akong mamili," natatawa kong sagot.

Napatigil lang kami nang may lumapit na lalaking naka-jersey sa amin. "Excuse po, tabi muna kayo. Magmamanas na po 'yung mga maglalaro ng basketball."

"Pasensya na po," agad kong sabi habang humahakbang paatras.

Hindi umimik ang lalaki. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko at kunot-noong tumitig sa akin nang matagal. "N-Nagkakilala na po ba tayo? Parang pamilyar ka."

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now