Chapter 71

836 14 0
                                    

Zen's POV

Kasalukuyan namang kumakain sa sala ngayon ang lahat kasama 'yung isa pang kamag-anak ni Lola Tina. Kanina ko pa din napapansin na pinagbubulungan nila ako maging si Carlo sa tabi. Alam kong napapansin din 'yun nila Mommy ngunit nanatili lamang kaming tahimik dahil masyadong mahaba ang pasensya namin sa mga taong nasa talampakan ang utak. Akala ko pa naman ay masusulit ko ang buong bakasyon namin dito kasi hindi naman sila pumupunta dito. Sadyang ito lang talaga ang unang pagdalaw nila dito sa amin. At literal na hindi talaga ako natutuwa sa nangyayari.

Napatingin naman ako kay Jared dahil kanina pa siya siko ng siko sa akin.

"Bakit?"

"Naiirita ako sa tingin nila."

"Hindi ka pa ba nasasanay?"

"Matagal na pero hindi ko pa din maiwasang hindi mainis."

"Hayaan mo nalang sila."

"Inaalala ko din kasi na baka maging matabil ang bibig nila lalo na at nandito si Carlo."

Matunog naman akong napangisi.

"Subukan lang nila."

"Huwag kang mag-alala, palaging sa'yo ang panig ko."

"Salamat."

Kumindat naman siya kaya tumango nalang ako.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" mahinang tanong ni Carlo sa tabi ko.

"Mamaya nalang siguro. Nawalan kasi ako ng gana."

"G-Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Tsk, hindi ko naman kayang magalit sa'yo."

"R-Really?"

"Oo nga."

"Wait, let me get you some food."

"Huwag."

"W-Why not?"

"Basta."

"Bakit nga?"

"Basta, mamaya nalang ako kakain."

"I-Is there something wrong?"

"Hindi namin kasundo 'yung kabilang kamag-anak ni Lola."

Bigla namang nagseryoso ang mukha ni Carlo at dahan-dahang inikot ang paningin niya sa buong kwarto. Napahinto nalang ako sapagkat parang kakaiba ang titig ni Carlo at nahihirapan akong basahin kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon.

"So..." pagpaparinig ni Tita Marites kaya naagaw naman niya ang atensyon ng lahat. Ako naman ay nanatili lamang na tahimik.

"Balita ko ay may namamanhikan daw dito sa pamangkin ko?" wika niya ngunit ni isa sa aming lahat ay walang sumagot man lang.

Gusto ko nga sanang tumanggi sa pagtawag niya sa akin ng pamangkin dahil kumululo ang dugo ko sa pikon. Alam ko kasi na anumang segundo ay magpapansin na 'yan.

"So, totoo nga ang balita?" pagsisingit naman ni Tita Mary sa usapan. Nagkatinginan naman sila ni Tita Marites at sabay silang natawa. Gusto ko nga din sanang matawa kasi akala nila balita lang, 'yun pala, chismis na. Nagulat naman ako ng bigla akong siniko muli ni Jared.

"B-Bakit ka tumatawa?" bulong niya kaya nanlaki naman ang mata ko. Ngunit kinalaunan ay nagpanggap nalang ako na natatawa din.

"May namatay na biro kaya makikitawa ako," simpleng tugon ko kaya nasapo nalang niya ang noo niya.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now