AUTHOR'S NOTE:
Ang istoryang ito ay nasa draft stage pa lamang at hindi pa dumaan sa kumpletong proseso ng pag-edit. Maaaring mayroon pang mga pagkakamali sa grammar, baybay, at iba pang detalye na kailangang iwasto. Ang anumang pagkukulang o kamalian ay bahagi ng kasalukuyang proseso ng pagsusulat at tiyak na maaayos sa mga susunod na bersyon. Inaasahan ko ang inyong pang-unawa at pasensya habang pinapahusay pa ang nilalaman ng istorya.
Zen's POV
Love is an important part of our lives. It brings joy, meaning, and warmth to our hearts. Kapag nagmamahal tayo at minamahal din, mas nagiging full ang buhay at nagiging brighter ang lahat sa paligid natin. Love has the power to bring positive change—ito ang nagko-connect sa atin at nagbibigay ng strength para harapin ang mga challenges ng buhay. Sa huli, love gives us purpose, happiness, and fulfillment.
Kasalukuyan naming binabagtas ang daan papunta sa bago kong university—sa National University.
"Dito na lang po ako," sabi ko kay Mama.
"Anak, good luck palagi sa pag-aaral, ha? Huwag mong i-abuse ang sarili mo. Meet new friends and try to socialize more," paalala ni Mama. Napangiti na lang ako nang pilit.
"Sige po."
"At kapag may problema, tawagan mo lang ako, okay? O kaya ang pinsan mo. Alam kong mature ka na, pero huwag mong kalimutan na hindi masamang humingi ng tulong sa iba."
"Sige po."
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan. Ngumiti siya sa akin bago ako tuluyang bumaba.
"Sige na po, papasok na ako. Baka ma-late pa kayo sa work niyo."
"Mag-ingat ka."
"Kayo rin po."
Pagkaalis ni Mama, pumasok na ako sa loob ng university. Registration form lang muna ang pinakita ko sa guard dahil wala pa akong ID. Freshie status pa rin ako kaya priority sa queuing.
Actually, first day of classes ko na ngayon dito sa NU Sampaloc. BS Office Administration ang kinuha ko. Nag-first sem ako sa CEU Makati before, same course din naman, pero lumipat talaga ako rito sa NU kasi mas malapit ito sa work ni Mama.
So, I'll be starting my second semester here this year. Gusto rin ni Mama na hatid-sundo ako dahil, let's face it, hindi na rin masyadong safe ang panahon ngayon.
Mabuti na lang at pinayagan akong mag-enroll kahit second sem na. Pumayag ang Dean dahil matataas ang grades ko sa transcript—pawang flat uno. Plus, I passed the entrance exam.
Scholar din ako rito bilang bahagi ng varsity volleyball club. To be honest, hindi namin afford ang mahal na tuition fee sa course ko kaya nag-apply ako bilang student-athlete. Kapag player ka kasi rito, sagot na nila ang matrikula at iba pang fees. May monthly allowance pa kaming natatanggap.
Noong bakasyon lang ako nag-tryout dito para makatulong sa expenses. Ayokong maging burden kay Mama. Noong nasa CEU pa kasi ako, hindi ako nakaabot sa tryouts at na-late rin ako sa pagpasa ng requirements para sa scholarship. Kahit sa munisipyo namin, mabilis naubos ang slots. Imagine, around 40k to 50k ang tuition doon per sem, kaya sobrang gastas talaga.
Habang naglalakad, nakaramdam ako ng kaunting awkwardness nang mapansin kong may mga estudyanteng nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Napakunot ang noo ko. I couldn't tell if they were talking about me or not. Pero 'yung iba naman, deadma lang at busy sa sariling mga ganap. 'Yung ibang nakakasalubong ko, nginingitian ako kaya pinipilit ko ring ngumiti pabalik. Ang rude naman kasi kung babalewalain ko lang 'yun, 'di ba? Isang way din 'yun para madaling makisama. Pero minsan talaga, kahit ngitian mo na sila, sila pa 'yung magtataas ng kilay na parang kasalanan ang ginawa mo.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
