Chapter 61

538 15 0
                                        

Zen's POV

Kinabukasan, naging ilang naman atmospera para sa pagitan namin ni Jared. Sinubukan ko namang magpokus nalang sa pagkain kahit na magkatabi kami sa lamesa. Mabuti na nga lang din at hindi nagtanong si Mommy kung may problema ba kaming dalawa.

Tinakpan ko nalang din gamit ang buhok ko 'yung pasa sa bibig ko para hindi 'yun mahalata ni Mommy. Pansin ko naman na parang nagdadalawang-isip si Jared kung kakausapin ba niya ako pagkatapos ng nangyari kahapon. Kaso kahit kausapin man niya ako o hindi, wala siyang makukuhang matinong sagot mula sa akin. Naiinis pa din ako sa kaniya at alam kong alam niya din 'yun.

Hindi ko naman 'to papaabutin ng ilang araw. Baka mamaya ay kakausapin ko na siya kung sakali mang kausapin na din niya ako.

Hindi naman ako maihahatid ni Mommy ngayon kasi day off niya.

"Alis na po ako."

Hindi naman ako naabutan ng trapik kaya mabilis lamang akong nakarating sa eskwelahan namin.

Pagdating ko sa classroom, ay halos kumpleto na ang lahat. Akala ko pa naman ay nagsisimula na ang klase ngunit nakatunganga lamang sila, nagdadaldalan at ginagawa ang kanilang personal na mga gawain.

"Hi te!" Bati sa akin nila Alina kaya dumiretso ako ng gawi papunta sa kanila.

"Hi." Pagbabati ko din sa kanila pabalik.

"Bakit parang stress ka naman te?"

"P-Pagod lang siguro ako." Matamlay na sabi ko.

"Eh, ano namang nangyari diyan sa mata mo? Ba't namamaga 'yan?"

Napakagat naman ako sa labi ko dahil hindi ko alam ang idadahilan ko sa kanila. Ayoko kasing malaman na naman nila na nakipag-away ako.

"Ahh... H-Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi."

"Bakit?"

"P-Pagkauwi ko kasi sa trabaho, ginawa ko pa 'yung ibang mga gawain natin..."

"Nang namamaga ang gilid ng labi?" Taas kilay na tanong ni Rhea sa akin.

"N-Nakagat ko lang 'yan..." Walang kwentang pagsisinungaling ko.

"Sanaol nakagat!" Singit naman ni Shane saka kami nagtawanan.

"Ano, happy kayo?"

"Kalma, 'yung baba mo nanginginig." Sabi naman ni Melody kaya mas lalo kaming natawa.

"HAHAHA!"

"Oh siya, sige na."

"Wait lang."

"Bakit?"

"Spill mo muna na 'yung tea."

"Anong tea?" Nagtataka kong tanong kay Rhea.

"Kung bakit mo 'nakagat' 'yang labi mo." Sarkastikong sagot naman ni Rhea habang binibigyang diin 'yung pagkakasabi ng nakagat ko 'yung labi ko.

Mukha namang kaming dalawa lang ang nagkaintindihan kaya tumango nalang ako.

"Later te, ha?"

"S-Sige."

Papunta palang ako sa upuan ko, pero pansin ko na kaagad ang nakabusangot na mukha ni Carlo habang nakatingin sa akin. Maayos naman ang huling pag-uusap namin kahapon. Ewan ko nalang kung ano ang pinaghihimutok nang taong 'yan sa akin.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now