Zen's POV
Makalipas ang ilang mga araw ay bihira na lamang kami nagkikita ni Carlo. Kahit magkita sa cafeteria o makasalubong man lang siya dito sa campus ay bibihira lang talaga. Ngunit araw-gabi pa din siya magpadala ng mensahe at tumawag sa akin.
Naging abala na din ako sa mga gawain ko dahil parang ang hectic na ang semester namin ngayon. At hindi na ako magtataka kung ganun din kanila Carlo, lalo na at kukuhain palang niya ang ibang mga asignatura doon. Pero nagsabi na din ako sa kaniya nung nakaraang araw na huwag muna kaming mag-usap para mas makapagpokus kami sa mga gagawin namin. At para magkaroon kami ng sapat na oras para matapos kaagad 'yun sa takdang oras.
Pero napapansin ko naman na madalas niyang kasama 'yung babae. Hindi rin intensyon 'yun ni Carlo dahil mukhang wala naman siyang interes at hindi niya binabalingan ng anumang atensyon 'yung babae kapag kinakausap siya nito. Gayunpaman ay hindi naman ako nagseselos patungkol doon. Hindi naman ako maarteng tao para pagbawalan siya kung kanino lang siya lalapit o kung sino man lang ang kakausapin nito.
Pero kahit hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako doon sa babae. Kahit na nakikita niya akong nakatingin sa kanila mula sa kalayuan ay parang iba ang paraan ng tingin niya sa akin. Hindi ko naman masabing may galit o ano, basta nawiwirduhan talaga ako sa kaniya. Mukha kasing may tinatago itong lihim, at mukhang hindi ako sang-ayon doon kahit na wala pa naman akong alam.
Pero binabalaan ko siya na mag-ingat siya sa ginagawa niya. Marunong akong magtimpi ngunit hindi ako marunong magpakampante kahit na hindi ako nangingialam.
Nasa loob naman kami ng isang computer room. Nauna namang naglakad si Ron sa akin kaya sumunod nalang ako sa kaniya. Hindi naman ganun kataasan yung tabing ng kompyuter kaya kitang-kita naman namin ang buong paligid. Tapos sa harapang bahagi ay may malaking projector na nakasabit doon. Nandun din si Sir Merlas at Mr. Maliban na nag-uusap. Napabalik naman ako sa katinuan ko nang sikuhin ako ni Ron.
"Bakit?"
"D-Do you know that girl?"
"Sino?"
"'Yung katabi ni Carlo?"
Saktong paglingon ko sa kanila ay nakatingin din pala sila sa amin. Pansin na pansin ko din ang seryosong mukha ni Carlo habang nakatingin sa akin.
"Hindi."
"A-Akala ko kasi kilala mo. Noong nakaraan ko pa kasi sila nakikitang magkasama. Hindi ko nalang sinabi sa'yo kasi baka kilala mo."
Tumahimik nalang ako at hindi nalang tumugon sa sinabi niya.
"You okay?" aniya.
"Oo naman."
"H-Hindi ka ba galit kasi may dumidikit sa kaniya?"
"Hindi naman."
"W-What if?"
"Hindi 'yan. May tiwala naman ako sa kaniya, eh."
"Eh, doon sa dumidikit sa kaniya?"
"Ikagagalit ba ng mundo kung binigwasan ko ang lumalandi sa boyfriend ko?"
Gulat naman siyang napatingin sa akin kaya natawa nalang kaming dalawa. Hindi pa naman nagsisimula kaya lumabas muna ako para bumili ng maiinom. Inaayos pa daw kasi nila Sir 'yung presentation dahil nagkaroon ng aberya.
Habang naglalakad ako mag-isa ay napakatahimik naman ang buong pasilyo. Pagdating ko sa dulo ay sumakay naman ako ng elevator. Nasa limang palapag kasi kami kaya paniguradong hihingalin lang ako kapag naghagdan ako. Isasarado ko naman na sana ang pinto nang biglang lumitaw sa harapan ko si Carlo. Nabigla naman ako kung bakit rin siya nandito ngunit pinilit ko namang maging natural na para bang walang nangyari. Pagpasok niya sa loob ay wala naman sa aming nag-iimikan. Tanging tunog lang ng makina ang naririnig namin. Dalawa lang din kami sa loob ngunit ramdam na ramdam namin ang pagkailang sa hindi malamang dahilan.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...