Zen's POV
"Wait lang! Sandali!"
Napaangat naman ako ng tingin dahil sa nakakabinging sigaw ng kung sino.
"Anong meron?!"
"Sino 'yung sumigaw?"
Halos mapuno naman ng bulungan ang buong sulok ng gym. Kahit ako ay naguguluhan din sa kung anong nangyayari.
Naagaw naman ang atensyon ko nang makita kong tumayo si Nuelle..
"Hindi siya pwedeng manalo! Nakita ko ang pandarayang ginawa niya!" sigaw ni Nuelle na ikinagulat ng lahat.
Napakurap naman ako ng ilang beses dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy ni Nuelle.
"What are you talking about?" tanong nung judge kay Nuelle.
"Nakita ko po 'yung nanay ni Angel na bumulong ng patago sa kaniya. At ang sabi niya ay 'R'! Akala ata nila ay hindi ko 'yun makikita!"
"I-Is it true?" tanong naman nung judge doon sa babaeng nasa harapan na hindi rin makaimik kaagad.
Nang hindi pa rin ito sumagot ay tumayo naman 'yung nanay niya ata na sinasabi ni Nuelle.
"N-No! hindi siya nanduga! Alam niya ang word na 'yan! Kasama 'yan sa mga pinag-aralan niya," tugon nito.
"Hindi ho 'yun totoo! Nakita ko ho kayo na sinensyahan niyo ang anak niyong si angel!" pagdedepensa pa rin ni Nuelle sa nakita niya.
"I-I'm not!"
Napansin ko namang lumapit si Dean sa gitna at kinuha 'yung mikropono.
"Anong kahuguluhan 'to, Ms. Nuelle Galono? Gusto mo bang idetention kita dahil sa panggugulo mo? This is exclusive spelling bee contest."
"Sige lang po, dean. Papayag ho ako. Pero dapat pong madisqualified 'yang si Angel dahil sa pandadayang ginawa niya!"
"S-She didn't cheated!" Sabat nung nanay kay Nuelle.
"Ms. Galono, pumunta ka sa detention room—"
"I saw it."
Napahinto naman sila sa pagbabangayan ng magsalita si gwapota.
"I saw her Mom prompted to say 'R to this girl."
"What?"
"Want me to translate it?" pilosopong sabi ni gwapota kay Dean, dahilan para matameme ito.
"T-Totoo ba 'yun?" tanong ni Dean doon sa Angel at tumango ito.
Nanlaki nalang 'yung mata ko nang tumakbo ito palabas ng gymnasium. Isang nakabibinging katahimikan naman ang sumakop sa buong gymnasium. Wala may balak magsalita dahil sa senaryong iyon. At tilay ba'y magpapakiramdaman kung ano na ang mga mangyayari. Naputol na lang ang katahimikan nang nagsalita 'yung judge.
"Come forward, number 89?"
Napatingin naman ako sa judge. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya kaso ay tumango lang ito sa akin na para bang sinasabi niya na magsasalita pa ako.
Anong meron?
Agad naman akong lumapit sa harapan. Kulang na lang maging gripo 'yung kamay ko dahil sa pamamasa nito. Mas lalo ring lumakas 'yung tibok ng puso ko dahil sa kaba at parang matutumba na ako sa panghihina. Napalunok na lamang ako dahil lahat ng atensyon nila ay nasa akin na.
![](https://img.wattpad.com/cover/118963653-288-k822672.jpg)
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Novela Juvenil[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...