Chapter 45

499 20 3
                                        

Zen's POV

Kanina pa nagsimula ang laban namin ngunit wala pa akong nagagawang puntos dahil sa pagkainis ko kay Carlo. 6-13 na ang score ngayong first set at lamang pa din ang kalaban namin.

"Ano na te? Pabarbie?" Natatawang biro sa akin ni Kyle kaya nginusuan ko nalang.

Ano na ba ang nangyayari sa akin?

Hindi naman ako ganito dati. Actually, nasa wisyo ako ngayon para maglaro pero dahil sa inasta kanina ni Carlo ay nawalan tuloy ako sa mood. Kaya ngayon ay nadamay pa ang laro namin dahil sa kapalpakan ko.

Walang received, not over din ang mga palo ko. Minsan naman ay outside. Wala din akong maipasok na service kaya mas lalo akong naistress.

Kung kailan finals na doon pa ako nagkaganito. Bwisit kasi na Carlo na 'to eh! Wala talagang ambag sa buhay ko! Kung meron man ay puro sakit sa ulo. Awit talaga!

Nagtawag naman si Ma'am Ayra ng substitution para sa akin. Okay na rin siguro 'to para marelax ang utak ko kakaisip sa kupal na 'yun.

"Anong meron Zen? Masakit pa ba ang kamay mo? May problema ka ba?" Sabi ni Ma'am nang makaupo sa tabi niya.

"W-wala po..." Pagdadahilan ko na lamang. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya kung bakit ako nawalan ng laro ngayon-ngayon lang.

Hindi na ako kinulit ni Ma'am, sa halip ay ipinagpatuloy nalang niya ang pananood.

"Cr lang po ako Ma'am."

"Sige. Bumalik ka kaagad para makabalik ka na ulit sa laro."

"Sige po."

Halos nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako sa gym. Nakatulong din sa pagbabalik ko sa wisyo ang hanging dumadampi sa katawa ko.

"Hey." Paglingon ko naman ay Carlo while giving me his death glare.

Wala na! Sira na lalo ang araw ko!

Atsaka, ano na naman ang problema nito at parang ako na naman ang may dahilan?!

Tatalikuran ko na sana siya nang isandal niya ako sa pader ng gym.

"H-hoy, a-anong ginagawa mo?! B-baka may makakita sa a-atin?!"

"We're not doing anything wrong." Preskong sabi niya habang nakangisi sa akin kaya napalunok nalang ako dahil sa kaba.

"U-umalis ka nga." Naiilang kong sabi habang tinutulak siya palayo sa akin.

"Was that your play? Tsk, hindi ka naman pala marunog." Nakangiwing sabi niya.

"H-hoy, ang sama mo naman! A-ang pangit mo kasi k-kaya ako nawalan ng laro!" Inis na sabi ko sa kaniya sabay talikod.

"Where are you going?" He asked.

"Magpapalit ako ng damit. Manghihiram nalang ako kay Marco!" Sabi ko habang naglalakad palayo sa kaniya. Bago ko pa marealize ang mga sinabi ko sa kaniya ay nagulat na lamang ako ng may kamay na pumulupot sa tiyan ko at papalapit na inihapit sa kaniya. Bale, nakatalikod ako sa taong may hawak sa akin ngayon. However, hindi ko na kailangang magtaka kung sino ang taong 'yun dahil si Carlo lang ang may lakas na loob para gawin sa akin 'yun.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now