Zen's POV
"Oh, saan ang lakad mo, Zen? Akala ko ay wala kang pasok tuwing Miyerkules," bungad sa akin ni Tita pagkababa ko sa sala, halatang kakauwi lang niya galing sa trabaho.
"Sa Highway Hills lang po."
"Sa dati mong eskuwelahan?"
"Opo, dadalawin ko lang po 'yung mga dating Teachers ko po."
"Oh siya, sige-sige. Mag-ingat ka paalis. Matutulog na din muna ako."
"Sige po."
Pasado alas-nuebe na ako umalis nang bahay. Dadaan pa kasi ako sa Red Ribbon para bumili ng pasalubong sa kanila.
Pagdating ko sa Mall ay pumunta na muna ako sa McDonalds dahil nagugutom na ako. Nakalimutan ko kasing kumain sa bahay kaya dito nalang ako mag-aagahan.
"Isang order po ng Chicken Fillet Rice. With fries and drinks po, regular lang."
"Ano pong drinks—uy, Zen! Ikaw pala 'yan."
Nagulat naman ako dahil kilala ko pala 'yung kahera. Si Katherine, na kababata ko noon pa. Siya din ang una kong nakilala at naging kaibigan simula nung lumipat kami dito sa Manila. Madalas si Katherine na pumunta noon sa bahay namin upang makipaglaro. Hindi ko lang talaga siya kinakausap noong una dahil hindi naman ako mahilig makipaglaro at makipag-usap sa ibang tao. Ngunit kinatagalan ay naging malapit kaagad kami sa isa't-isa.
"Namiss na kita, Zen!"
"Ako din. Ngayon na nga lang ulit kita nakita kahit magkapit-bahay lang tayo," nakangiting saad ko pabalik sa kaniya.
"You know naman na working student na ako. Kailangan magpursige habang bata pa."
"Ang sipag-sipag mo nga, eh. Dahil kahit papaano ay nakakatulong ka na sa inyo."
"Ikaw, Zen, ayaw mo bang magtrabaho habang nag-aaral?'
"Babalakin ko palang ay galit na agad si Jared."
"Hahaha! Protective lang talaga masyado yun sayo."
Pero, totoo naman talaga. Masyadong oa si Jared na minsan ay nakakainis na talaga. Parang presyo ang dating ko sa kaniya. Ang daming bawal, 'yung puntong bawat kilos at gagawin mo ay kailangan niya ng aprobado.
"Sige lang, Katherine! Chika ka muna!" saad ng Manager ata nila kay Kath.
"Sorry po, Ma'am. Hahaha!" kamot-ulo at natatawang wika no Katherine doon sa Manager nila.
"Anong drinks mo pala, Zen?"
"Royal nalang."
"Okie-okie."
Pagkatapos kong kumain ay hindi na ako nagpaalam kay Kath. Baka mapagalitan lang ulit siya. Dumiretso naman na ako kaagad sa Red Ribbon para bumili ng dalawang Chocolate Roll Cake. Hindi naman ganung kahaba ang pila kaya mabilis lang akong nakabili.
Pasado alas-diyes na din akong nakarating sa dati kong eskuwelahan, sa Highway Hills. Pagpasok ko palang ay mas lalo itong gumanda. Simula sa hardin hanggang sa mga gusali ay naayos na at napinturahan na din. Isa itong pampublikong paaralan dito sa Mandaluyong kaya dito ang napili kong mag-aral. Kinder hanggang Senior High ang meron dito.
Si Jared kasi ay sa probinsya nag-aral. Lagi ring nasa honor ang kupal. Pero tuwing summer ay palagi silang pumupunta dito nila Tita para magbakasyon. Pero ngayong Kolehiyo ay dito na siya mag-aaral. Hindi ko nga alam kung bakit huminto siya. Wala naman siyang nabanggit sa akin. At hindi ko rin alam kung kailan niya balak magsimula.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
