Chapter 62

599 15 5
                                        

Zen's POV

Miyerkules ng umaga ay naging abala naman ako sa mga iniwang proyekto ng mga propesor namin. Nasa sala naman ako ngayon habang gumagawa. Ayoko na kasing matambakan at mahirapan pa kaya tinatapos ko na hangga't wala pa akong ibang ginagawa.

Nagsabi naman si Michael kagabi na pupunta daw siya ulit dito sa bahay pagkatapos ng gawain niya sa store. Sabi ko naman na huwag na kasi baka mapagalitan lang siya pero nagpumilit ang loko kaya hinayaan ko nalang.

Sayang lang at wala na ako doon. Nakakamiss din pala lalo na 'yung chismisan namin nila Angeline, Princess, Jeho at Katrina. Gusto ko pa sanang bumalik kaso ang kapal naman ng balat ko kung ganun. Kinasamaang palad, ang pangit talaga ng pag-alis ko doon. Nag-iwan pa ako ng bakas bago ako umalis sa trabaho.

Nagpahinga muna ako dahil sumasakit na ang ulo ko kakapindot sa laptop. Nadadamay na din ang pagkalabo ng mata ko dahil palagi akong tutok sa mga gadyet nitong mga nakaraang linggo. Kanina pa kasi akong alas otso nang umaga gumagawa at pasado alas onse na.

Nanonood naman kami ngayon ni Jared ng action movie kaya kahit papaano ay nalilibang ako.

"Tapos ka na?" Tanong ni Jared.

"Patapos na. Nagpapahinga lang ako."

"Ano bang subject 'yang sinusulat mo?"

"Ahh, Steno. Ang hirap nga, eh. Parang magiging uod na din ako katulad nila hahaha."

"Huwag mo munang biglain ang sarili mo kung hindi mo kayang tapusin. Baka sumakit lang niyan ang ulo mo."

"Medyo na nga, eh."

Nginiwian naman niya ako.

"Tsk. Mamaya mo nalang 'yan tapusin. Kumain ka muna tapos uminom ka na din ng gamot pagkatapos mo."

"Masusunod po, Sir."

Tinapos ko muna 'yung huling activity na ginagawa ko bago ako nagligpit ng mga gamit.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko kay Jared.

"Hmm."

"Ah, sige, kakain muna ako."

"Sige."

Napalingon naman kaming dalawa ni Jared nang bumukas ang pintuan namin.

"Pakain din po." Sabi ni Erica na kapapasok lang.

Tumango naman si Jared sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito, dai?" Nagtataka kong sambit sa kaniya.

Basta talaga pagkain, alertong-alerto din 'to si Erica.

"Makikikain muna ako dito." Kaswal na sabi ni Erica na parang sanay na sanay na dito sa amin.

"Ang lakas mo naman."

"Ako lang 'to, dai! Kumalma ka."

"Ikaw lang talaga 'yan dai. Walang gustong maging ikaw pa."

"HAHAHA!"

"Bakit ba kasi walang pagkain sa inyo?"

"Naglaba at naghugas lang ako ng plato lang ako tapos inubos na ng mga magagaling kong kuya 'yung pagkain dun." Pagrereklamo niya na may halong inis.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now