Zen's POV
"Zen, bumaba ka na diyan! Aalis na tayo!" sigaw ni Jared sa labas ng kwarto ko. Magsisimba kasi kami ngayon.
Malapit na ring mag alas-nuebe kami nakarating sa simbahan dito sa amin, sa may Our Lady of Fatima Parish Church. Mabuti nalang nakahanap pa kami ng upuan kahit na maraming tao. Malapit na kasing magsimula ang misa.
"Hi."
Nagulat naman ako ng may bumati sa akin. Pagkatingin ko naman ay si Michael pala 'yun. Napakunot naman ako ng noo sa kaniya dahil hindi ko naman inaasahan na makikita ko siya dito ngayon. Umusog nalang din ako para makaupo siya sa tabi ko.
"Hmm," Bati ko rin sa kaniya.
"Mabuti at nakapasok ka rito sa loob," pagsisingit ni Jared pero inismiran lang siya ni Michael.
"Mabait naman ako, ah?"
"We?" sabay na sabi namin ni Jared kaya natawa naman kami.
"Hahaha, nakakatawa," sarkastikong tawa niya.
"Sino kasama mo?" tanong ko sa kaniya.
"W-Wala." Napaiwas naman siya ng tingin.
Maya-maya rin ay nagsimula na ang misa. Madalas naman akong mapatingin kay Michael dahil parang may iba sa kaniya ngayon.
"Baka ma-inlove ka sa akin," bulong na sabi niya sa akin.
"Pasalamat ka nasa simbahan tayo," inis na sabi ko sa kaniya kaso tinawanan lang niya ako.
Bigla namang kinurot ni Jared 'yung tagiliran ko kaya napairing nalang ako ng tahimik.
"Ang ingay niyo," bulong na sabi ni Jared sa akin kaya napangiwi nalang ako.
Nang matapos ang misa ay lumabas na kami ng simbahan.
"Sama ka sa amin. Kakain kami sa labas," pag-aaya ko kay Michael habang nag-aantay.
"H-Hindi na. May pupuntahan pa kasi ako, eh."
"Huwag mo akong lokohin."
"Huwag na nga."
"Sasama ka o ibabalibag kita? Pili ka lang. Madali lang akong kausap."
"Ang ganda ng choices mo. Ang galing."
"Sasama ba o hindi?"
"P-Puwede ba?"
"Oo nga. Kahit hindi kita tawagin, yayayain ka naman ni Jared."
"Talaga ba? Parang hindi naman kapani-paniwala na yayayain ako nun, mas lalo ka na."
"Maniwala ka nalang."
"Oo na."
"Choosy ka pa, gusto mo naman," napakamot nalang tuloy siya sa batok niya kaya natawa nalang ako
"Bakit nandito ka pa?" nagtatakang tanong ni Jared sa kaniya.
"Gusto ko lang siya isama."
Taka namang tumingin sa akin si Jared kaya nginitian ko lang siya. Pagkalabas nila Mommy ay sinalubong ko naman sila kaagad.
"Oh, bakit? May problema ba?"
"Gusto ko lang ho sanang isama natin 'yung kaibigan ni Jared."
Tinuro ko naman si Michael sa hindi kalayuan.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Teen Fiction[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...
