Chapter 32

515 18 0
                                        

Zen's POV

Nang sumapit ang linggo ay sa umaga nalang kami nagsimba dahil may pasok pa ako sa trabaho mamayang alas-sais ng hapon.

"Zen, bilisan mo na! Baka malate ka pa!" sigaw ni Jared mula sa baba.

Kasalukuyan na akong nagbibihis. Katatapos ko palang kasing maligo at eksaktong alas-singko na rin. Pero may oras pa naman ako para magpaganda. Rawr!

Pagkatapos kong magibihis at mag-ayos ay bumaba na din ako. Pagdating ko sa sala, naabutan ko naman sila Jared at mga kaibigan niya sa sala na nakapang basketball attire. Mukhang may liga ata sila.

"Saan laro niyo?"

"Sa punta," sagot ni Jared na nagsusuot ng medyas.

Napangiwi naman ako dahil mukhang wala sa hulog na naman 'to si Jared.

"Awit ka. ala ka talagang dulot sumagot," saad sa kaniya pero tinawanan lang nila ako.

"Sa punta nga ang laro namin."

"Punta mo mukha mo."

"Hahaha!"

"Tch, ang kulit! Doon nga kami maglalaro. Malapit lang 'yun sa kalentong," natatawang sabi ni Jared.

Napa-ahh nalang tuloy ako at napakamot sa batok dahil sa kahihiyan.

"Ma, alis na po kami," sambit ni Jared kay Tita na kabababa lang.

"Oh siya, mag-ingat kayo."

"Sige po, Tita."

"Bye po."

Pagkalabas namin ay dumikit naman kaagad sa akin sina kambal. Nauna kasi akong lumabas ng bahay.

"Manood ka nalang, Zen."

"Oo nga, huwag ka nalang pumasok hehehe," panunuhol nila sa akin kaya natawa nalang ako.

"Hindi puwede. Kung puwede lang."

"Puwede 'yun!Ayos lang naman 'yun kay Michael, eh. Baka nga, magkasahod ka pa kahit hindi ka pumasok."

Nagkatinginan naman 'yung kambal at sabay na natawa.

"Hindi ko puwedeng abusuhin ang kabaitan niya. Ang laki na ng naitulong niya sa akin."

"Sabagay, tama ka." sabay na sabi nila kaya natawa nalang tuloy ako.

"Huwag niyo ng impluwensyahan 'yang si, Zen. Hindi 'yan nakikinig sa mga pangit," pagsisingit ni Oliver.

Nagtawanan naman kami ngunit walang-gana lamang tumingin sina kambal sa kaniya.

"Nagsalita ang mas pangit!" sabay na sabi ng kambal. Ngunit imbes na na mapikon si Oliver ay natawa nalang ito dahil sa naging reaksyon nung dalawa.

Kasalukuyan na kaming nasa biyahe ngayon. Naabutan naman kami ng trapiko sa daan pero hindi pa naman ako huli sa trabaho.

"Daanan nalang kita mamaya dito," saad ni Jared habang paalis na sila ng mga kasama niya.

"Sige."

Hinintay ko muna silang makaalis bago ako tumawid. Mabuti nalang at linggo ngayon kaya walang masiyadong tao. Pagpasok ko palang ay binati na ako ng mga katrabaho ko kaya bumati nalang din ako pabalik. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid dahil hindi ko maaninag ang anino ni Michael. Wala rin kasi siya dito sa labas. Pero baka nasa opisina siya.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now