Chapter 40

509 15 0
                                        

Zen's POV

Nagising ako ng hindi ko namamalayan na nakahiga na pala ako sa sahig.

WAAHHH!

POTEK KA SELF!

Bakit ako nakahiga dito at parang sarap na sarap pa ako sa hinihigaan ko?!

Yak! Dirty na tuloy ako!

Dahan-dahan naman akong tumayo dahil kumikirot na naman ang ulo ko.

"A-ano bang nangyari?" Sabi ko sa sarili ko habang hinihimas 'yung ulo ko dahil sa kirot.

Nanlaki naman ang mata ko nang bigla kong naalala kung ano ang nangyari kani-kanina lamang. Bigla na namang nagsipagtuluan 'yung luha ko.

Bwisit!

Kaya mo naman lumaban Zen eh! Pero ang hindi ko lang malaman na dahilan ay kung bakit nawawalan ako ng lakas at natatanga kaagad ako kapag nasa ganung sitwasyon ako.

Naghilamos ulit ako at nagpalit ng damit.

Bigla ko namang naalala na kaibigan pala sila ni gwapota at narinig ko din na binanggit din nila ang pangalan niya.

Napahinto naman ako.

GINAGANTIHAN BA NIYA AKO DAHIL NAGALIT SIYA SA AKIN KANINA DAHIL SA PAKIKIPAG-USAP KO KAY PAOLO?!

Biglang nabuhay ulit ako galit sa dibdib ko na kanina ko pa pinipigilan.

TANG-INA!

ANO BA ANG IKIBAGAGALIT NIYA DAHIL SA SIMPLENG PAG-UUSAP NA 'YUN?!

AT...

ANONG KARAPATAN NIYANG GUMANTI SA PARAANG HANDANG BABUYIN AT PAGTRIPAN ANG PAGKATAO KO?!

Dali-dali akong nag-ayos at lumabas ng cr. Habang naglalakad ako ay panay tulo ng tulo 'yung luha ko.

Bwisit ka gwapota! Tang-ina mo! Masyadong below the belt na ang paraan ng pagganti mo!

Napapatingin naman sa akin 'yung ibang mga estudyante pero hindi ko nalang sila pinansin. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa inis at galit na nararamdaman ko.

May ilang nagtataka kung ano ang ginagawa ko pero wala ako sa mood para intindihan sila. Tumayo na ulit ako para hanapin si gwapota.

Halos maikot ko na ang buong campus ngunit hindi ko pa rin siya makita. Isa nalang ang hindi ko napupuntahan.

ANG FIELD.

Pinunasan ko muna 'yung luha ko bago ako tumungo sa field. Pagdating ko doon ay wala akong makitang mga estudyante.

Shet! Nasaan ka na ba?!

Aalis na sana ko nang may nakita akong anino sa likod ng puno kung saan ako dati tumatambay. Agad naman akong lumapit doon. Napangisi nalang ako ng bahagya dahil kahit nakatalikod siya sa akin ay alam kong si gwapota 'yun.

Nakaramdam naman siya kaya lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo. Bago pa siya makapagsalita ay agad ko siyang sinampal. Halos namanhid naman ang palad ko dahil sa lakas ng impact.

"W-WHAT THE FUCK?! WHAT THE HELL IS WRONG YOU?!" Galit na sigaw niya sa akin pero imbes na matakot ako ay bigla na nalang akong naiyak.

Napalitan naman ng pangamba ang galit na reaksiyon niya kanina.

Pinunasan ko muna 'yung luha ko.

"Tang-ina mo C-carlo! Anong bang problema mo?! H-hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa'yo para gawin niyo 'yun sa akin. Oo, galit ka sa akin dahil sa pakikipag-kaibigan ko kay Paolo pero hindi sapat na dahilan 'yun para sa ganung paraan mo ako gagantihan kasi lugi ako doon eh! Isa 'yun sa mga kinakatakutan ko!"

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now