Chapter 21

582 20 0
                                    

Zen's POV

Pagkauwi ko ng bahay ay natulog kaagad ako. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko dahil kanina pa masakit ang ulo ko.

Pasado alas-otso na rin ako nagising kaya bumaba na ako para kumain at makainom na ng gamot. Pagkababa ko ay naabutan ko naman si Jared na nanonood ng Netflix sa sala. Hindi ko nalang siya inistorbo at dumiretso nalang sa kusina. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na 'yung pinagkainan ko at naghugas na ng mga pinggan. Naghanap na rin ako ng gamot para mabawasan 'yung pananakit ng ulo ko.

Nan mahimasmasan naman ako tumungo na ako sa sala.

"Kumain ka na ba?" bungad sa akin ni Jared.

"Tapos na. Medyo masakit nga ang ulo ko, eh."

"Uminom ka na ba ng gamot?"

Hinawakan naman niya ang noo ko kung may sakit ba ako.

"Oo, kakainom ko lang."

"Magpahinga ka na muna dun sa taas.."

"Kakagising ko nga lang."

"Tulog ka ulit."

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tinawanan lang ako.

"Ilipat mo nga sa ibang palabas. Puro pang-sinaunang panahon naman ang mga 'yan eh."

"Tch, bahala ka sa buhay mo. Ako ang nauna dito," pasiring niyang sabi sa akin.

"Awit na 'yan. Bilis na, ilipat mo nalang sa iba."

"Mangarap ka."

"Itatapon ko talaga 'yung mga gamit mo sa labas kapag hindi mo pa 'yan nilipat."

Inis naman niyang kinuha 'yung remote at nilipat sa nakakatakot.

"'Yan ang gusto ko sa'yo," pagpupuri ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako.

Awit! Mas mataray pa sa akin 'to hahaha!

"Oh, saan ka pupunta?" tanong ko kay Jared nang maghanap ito ng tsinelas sa gilid.

"May bibili lang ako sa labas."

"Puwede pasuyo?"

"Ano 'yun?"

"Libre mo ba?"

Walang gana naman siyang lumingon sa akin.

"Puro ka palibre. Mas marami ka kayang pera kaysa sa akin."

"Sabihin mo nalang kung ayaw mo, hindi 'yung nagdadahilan ka pa diyan," pangongonsenya ko.

"Tang-inang 'yang, mangonsensya ka pa."

"Kaya nga, huwag na. Bahala ka na sa buhay mo."

"Sasabihin mo kung anong ipapalibre mo o lilipad 'tong mga tsinelas—"

"Bilhan mo ako ng kwek-kwek. Bukas pa naman sila Ate Aisa, eh."

"Tch. Kumpletuhin mo na dahil alam kong kulang pa 'yun sa'yo."

"Ayon lang muna. Sa susunod na 'yung iba."

Tumalikod naman na siya at lumabas na ng bahay. Maya-maya rin ang bumalik na si Jared habang may dalang mga pagkain.

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Where stories live. Discover now