Chapter 34

506 21 0
                                        

Zen's POV

Pumunta muna ako ng locker ko para kuhain 'yung P.E uniform ko. Dumiretos na rin ako sa cr para magbihis. Pagdating ko sa cr ay nasalubong ko naman si Ron na mukhang magbibihis din kaya medyo nailang ako. Ngumiti naman siya sa akin kaya ngumiti din ako sa kaniya.

"After you." Sabi niya.

"Thanks."

Nang makita kong ang daming mga tao sa loob ay dali-dali agad akong lumabas ng cr. Nabangga ko na nga din siya dahil nataranta ako sa pagmamadali.

Napasandal naman ako sa dingding pagkalabas ko.

"Are you okay?"

Napalingon naman ako kay Ron na lumabas din.

"Y-yeah... yeah. O-okay lang ako." Nahihiya kong sabi.

Bumuntong hininga naman siya at pumasok na sa loob. Nagulat naman ako ng dali-daling nagsipagtakbuhan palabas 'yung mga tao sa cr. May mga nadapa pa nga at hindi pa tapos magbihis.

Ha? Anong nangyari?! Anong meron?!

"Wala nang tao." Sabi ni Ron.

He did that?!

"B-bakit mo ginawa 'yun?"

"Wala lang."

"Thank you." Sincere kong sabi sa kaniya.

"Always welcome."

Sinenyasan naman niya ako na pumasok na.

"Sige na, magbihis ka muna. Dito nalang muna ako sa pintuan."

"H-hindi, okay lang. Baka malate ka pa."

"Okay lang 'yun, basta ikaw."

"Thank you talaga Ron."

Pumasok na kaagad ako sa loob ng cubicle para magbihis. Binilisan ko nalang para hindi naman nakakahiya sa kaniya.

Paglabas ko ay nandun pa rin siya sa pintuan at nacecellphone.

"Ron, okay na. Salamat."

Ngumiti naman siya sa akin. Pumasok na siya sa cubicle na pinasukan ko at nagbihis. Lumabas na ako at tumambay muna. Hihintayin ko nalang din siyang magbihis para sabay na kaming pumunta sa gym. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago siya lumabas ng cr. Halata namang nagulat siya dahil hinintay ko siya dito sa labas.

"What are you still doin' here?"

"Waiting for you, I guess?"

Ngumiti naman siya sa akin sabay gulo sa buhok ko. Umalis na din kami at dumiretso na sa gym. Pagpasok palang namin sa loob ay nasa amin kaagad ang atensyon ng mga classmate namin kaya medyo nailang ako. Nakita ko naman 'yung panunukso nila Alina sa amin. Napansin ko naman na nakalabas na si Nuelle sa clinic. Hays.. salamat naman.

Napadako naman 'yung mata ko kay gwapota. Gulat naman ang naging reaksiyon niya sa amin dahil kasama ko si Ron.

"Sige."

Pagpunta ko sa pwesto namin nila Alina ay bigla naman nilang hinatak 'yung buhok ko.

"Anong kalandian 'yun te?" Tanong ni Shane nang makarating ako sa kanila.

"Alin?" Nginuso naman niya si Ron.

"Ah wala 'yun."

"Eme ka te!"

CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1Stories to obsess over. Discover now