Zen's POV
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Dinala ko na rin 'yung pangtrabaho ko para mamaya ay diretso nalang ulit ako doon sa store. Pagdating ko sa silid namin tumambay muna ako kanila Rhea upang makipag-kwentuhan. Maya-maya lang din ay dumating na si Sir Merlas kaya bumalik na rin ako sa puwesto ko.
"May meeting ako ngayon. Kaso may itatanong lang ako. Kung masagot ng taong 'yun ng tama, hindi ako mag-iiwan ng mga activity. Pero kung hindi ay marami kayong gagawin."
Wala namang umimik sa amin dahil parang ang hirap kung ano nga ba ang magiging reaksyon namin sa iwinari ni Sir Merlas.
"Mr. Arriola."
Napatayo naman ako nang tinawag ako ni Sir Merlas. Napalunok na lamang ako dahil bakit kailangang ako pa ang tawagin. Puwede namang si Ron o 'yung isang kupal nalang sa likod ko ang sumagot. Baka kasi kapag namali ako ay magalit lang sila sa akin.
King-ina! Kabado bente tayo, mga sis!
"Are you ready?"
"P-Po?"
"Tinatanong ko kung handa ka na ba kako?"
"A-Ako po ang magsasagot?"
"Yes."
"B-Bakit ho ako?"
"Because I say so."
"Eh, hindi naman ho ako magaling diyan. Atsaka, nandiyan naman ho 'yung dalawang Buenavista sa likod. Paniguradong mas masasagot ho nila 'yung tanong niyo ng tama."
Nagkibit-balikat naman si Sir kaya napabusangot nalang ako ng palihim. Paniguradong iinit na naman sa akin 'yung ulo ni gwapota kung sakaling mali ang sagot ko.
"When multiplied by itself, which number is equal to 12,345,678,987,654,321?"
Nanlaki naman 'yung mata ko sa pagkabigla dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Matagal naman akong napatingin kay Sir dahil parang nasasabaw talaga ako. Ngunit, bumalik nalang ako sa wisyo ko nang magsalita muli si Sir.
"I'll give you 15 seconds to compute it. But, you're not allowed to use a calculator."
Luh, mano-mano?! Awit!
Dahil wala na akong pagpipilian pa ay kumuha agad ako ng scratch paper para magsagot na. Hindi ko naman pinahalatang natataranta ako kahitna alam kong kinakabahan na ako. Dagdag pa roon 'yung mga titig ng mga kaklase ko kaya mas lalong akong hindi makapali.
"Last 8 seconds..."
Halos maging doctor na 'yung sulat ko at hindi na rin pantay-pantay sa kamamadali. Pisteng yawa talaga.
"Last 3 seconds—"
"111,111,111," sagot ko kay Sir.
Parang tinakbo ko tuloy ang bahay ng bebe ko papunta sa school dahil sa sobrang hingal.
Lol! Magkape!
Tumitig naman ng seryoso sa akin si Sir. Pero ay hindi na ako magtataka kung mali. Hindi rin kasi ako sigurado dun. Hindi ko kasi inasahan na ganun kaagad kahirap 'yung itatanong niya sa akin, lalo na at bawal gumamit ng calculator. Mabuti nalang at pinayagan niya akong gumamit ng scratch paper dahil paniguradong nga-nga lang talaga ang maibibigay ko.
"That's correct."
Nanlaki nalang 'yung mata ko dahil hindi rin ako makapaniwala na tama pala 'yung sagot ko.
YOU ARE READING
CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART Season 1
Ficção Adolescente[Completed] CUBH Season 1 When we start questioning the meaning of our existence, we risk missing out on a life filled with deep love. Relationships are at the heart of life, and love is its ultimate purpose. Life is imperfect as we grapple with our...