Hazel's Point of View
"Hazel, bumaba ka na dito!"Nakakatamad pang bumangon. Naalala ko nga pala, first day of classes ngayon. Jusme, ba't kaya lagi na lang ang bilis ng bakasyon?
"Malelate ka na, Hazel!"
Agang-aga, high blood na naman nanay ko. Hay, just give me five more minutes.
After siguro ng idlip ko, napagdesisyunan ko nang bumangon sa kama dahil baka pasabugin na ng bomba ng nanay ko ang kwarto ko. Kakainis naman, gusto ko pang matulog!
Pagkababa ko sa sala, aba, walang tao. Nasawa na si mommy kakatawag sa akin.
"Hayy. First day."
Kumuha na ako ng pagkain ko para makakain na ng breakfast.
Habang kumakain, may nagdoorbell.
"Istorbo naman. Sino ba 'yon? Kumakain ang tao eh!"
Pagkabukas ko ng pinto, ang nakasimangot at nakacross arms na si Acey ang bumungad sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Alam mo ba kung anong oras na?" seryoso niyang sabi.
Napakamot ako sa ulo ko.
"Maaga pa. Anong akala mo sa akin, hindi tumitingin sa orasan?"
"6:50 am na!"
"Tsss. Chill ka lang okay? Hindi naman tayo malelate n'yan."
"Okay, fine. As usual."
Umupo sya sa sofa namin at naging busy sa phone n'ya. As usual, hihintayin na naman n'ya ako. Mainipin kasi ang babaeng 'yan. Laging excited pumasok sa school. FYI for her, baka nakakalimutan n'yang 8 am ang time namin. O, 'di ba? Excited nga.
After kong kumain, natapos na ako sa aking daily routine at niyaya ko na s'yang pumasok sa school.
School
Medyo marami nang tao sa school. Excited rin sila. Habang naglalakad kami ni Acey sa corridor, nakailang beses akong humikab. Ugh. Gusto ko pang matulog."Ano bang oras ka na nakatulog kagabi?" tanong ni Acey habang nakatingin sa daan.
Napakamot ako sa ulo.
"12 midnight or 1 am? Kung hindi, baka around 2 am na ata. Hindi ko sure. Nakalimutan ko na yung oras eh."
Napailing siya sa sinabi ko.
"Huwag ka masyadong magpuyat sa pagdodrawing. Hindi 'yan nakakabuti sa'yo."
"Ang alin? Ang magdrawing?"
"Shunga! Ang magpuyat! Tingnan mo nga ang itsura mo. Ang payat mo na."
Haayy, talagang payat ako since birth.
Naglakad kami ng naglakad at napatigil lang noong may tumawag kay Acey.
"Acey!!!"
Sino pa ba ang masiglang tatawag sa kaibigan ko kahit umagang-umaga pa lang? It's no other than, Kean. Her childhood friend.
"O, Kean. Musta?" tanong ni Acey sa kanya.
"Ayos lang naman noong summer. Actually, kahapon lang kmi nakabalik sa bahay from Cavite."
"Talaga? Hala. Edi pagod ka pa hanggang ngayon?"
"Medyo."
Aba, kita mo 'tong dalawa 'to. Nakuha pang magkwentuhan sa gitna ng daan. Itinulak-tulak ko si Kean para lumakad na.

BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Ficção Adolescente[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18