Hazel's PoV
Weekend ngayon. As usual, walang magawa. Pero, nasa tapat ako ng isang mansyon.Tinitingnan ko ng maigi ito. Ang ganda. Sana, magkamansyon rin ako sa future. Sa ngayon, iniisip ko, buti pa sila, mayaman.
Absent ako last time dahil sa financial problem.
Hindi naman sa wala kaming pera. Hindi lang agad nakasweldo si Daddy. Tinamad sumuweldo. Hindi ko rin naman siya masisisi, mahirap talaga magtrabaho. Nakakapagod.
Back to the topic.
Nasa tapat ako ng isang mansyon at naghihintay kung sino ang magbubukas ng sobrang laking gate.
Isang oras na akong nakatayo sa labas!
Natupad rin ang wish ko na sana may magbukas ng gate, nang makita ko ang pinaka-nakakainis na lalaki sa balat ng Earth.
"For the second time around, pinaghintay mo na naman ako."
"Sorry. Pinakain ko pa kasi ang aso ko." sabi niya after buksan ang gate.
Agad niya naman sinarado ang gate at pumasok na kami sa bahay niya.
Pagkapasok...
"Mag-isa ka lang ba dito?" napansin ko kasing ang tahimik sa loob ng mansyon."Oo."
Napatingin ako sa mga picture frames na nakasabit sa wall.
"Nasaan ang mga kasama mo sa bahay?"
"Sa Amerika. Ako lang mag-isa dito, 3 years na."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. 3 years?
"Kaya mong mag-isa sa mansyong 'to?"
"Oo. Sanayan lang 'yan"
Napakaluwag ng mansyon para siya lang ang tumira. Bakit kaya nasa ibang bansa ang mga kasama niya dito?
"May katulong ka naman?"
"Day off."
"Ah, ok."
Nakaka-awkward na katahimikan. Sobrang tahimik! Nakakatakot siguro dito mag-isa. Lalo na pag gabi. Wala naman akong pakialam kung may mga multo. E, kung mga magnanakaw ang pumasok sa bahay? Nakakatakot talaga.
"Saan nga ba nakatira si Lean?" tanong ko sa kanya. Wala akong maisip na tanong. Nagsalita na ako kasi di ko na kaya ang atmosphere dito.
"Sa kabilang bahay lang."
"Ah-- talaga?!"
Tumango siya.
"That's why I always feel bothered in this mansion because of her near house. Bisita ng bisita sa akin."
"Magkakilala ba kayo since childhood?" siguro, childhood friends sila.
"Oo."
"So, ano ang plano natin para kay Lean?"
Nagpapatulong sa akin si Ford para daw layuan siya ni Lean. Sakal na sakal daw siya dito. Laging nakabuntot. Mas lalo siyang sinundan noong lumipat siya sa school kung saan ako nag-aaral ngayon.
"Wala nga akong maisip e."
Nagtataka kayo kung bakit ako pumayag na tulungan siya 'no? Well, ito lang ang sagot ko, wala lang.
"May gusto siya sa'yo. Pero, ayaw mo naman sa kanya. Nasabi mo na ba sa kanya?"
"Oo. Ilang beses na. Pero ayaw maniwala."
"May nagugustuhan ka bang iba?"
"Meron naman."
"Sabihin mo sa kanya na may gusto kanang iba."
![](https://img.wattpad.com/cover/20760772-288-k752663.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Quarrel
Teen Fiction[COMPLETED] ✔ Love vs. Quarrel A girl who fights for her right to love someone. Story Plot: February 17, 2013 Posted in Wattpad: February 15, 2015 Date Finished: June 2, 2017 Genre: Teen Fiction, Romance, Friendship, Highschool (c) rhoanne18